Saturday , April 27 2024

Health care professionals, susi sa ating pag-unlad — Roxas

Sa harap ng opisyales at kasapian ng Philippine Dental Association (PDA), pinuri ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga health care professional na may ginagampanang mahalagang papel para sa kaunlaran ng ating bansa.

“The health of the dental association is likewise the confidence, the health of professionals in our country, in our economy, and in our collective future,” sabi ni Roxas sa may 5,000 lumahok sa pagbubukas ng 106th annual convention ng PDA na ginanap kamakalawa sa  SMX Convention Center, Pasay City.

Sa napakalawak na oportunidad pang-ekonomya para sa  mga  Pilipino ngayon, idiniin ni Roxas na ang malusog na populasyon ay nangangahulugan ng mas produktibong puwersa ng paggawa at mas malusog na ekonomiya.

Nagpasalamat din ang kalihim sa PDA at sa dedikasyon at pananagutan para maturuan ang mga Pilipino ng oral health practices at sa pakikisangkot sa mga outreach program para mapaunlad ang dental health sa bansa.

“This is a thankless job, and I can relate dahil sa gobyerno, ganoon din ang pakiramdam namin. When things go well, walang nakaaalala. When things go bad, napupuna. Bahagi ‘yun ng ating pagseserbisyo, kaya tinatanggap natin,” ani Roxas.

Inihayag din ni Roxas na sa pag-unlad kapwa ng ekonomiya at serbisyong pangkalusugan ng bansa ay aangat ang Pilipinas kasabay ng mga kapitbahay natin sa Asya tulad ng Singapore at South Korea. Sa ilalim ng Daang Matuwid ni Pangulong Aquino, ang health insurance tulad ng PhilHealth ay inilaan sa mga Pilipino bilang paraan para magkaroon sila ng kakayahan at mapalaki ang kanilang potensiyal sa napiling propesyon.

“The destiny of our nation is up to the people of our nation. What happens to our community, to our country depends on all of us. It is in your hands kung ano ang mangyayari sa ating bansa,” dagdag ni Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *