Monday , December 15 2025

Blog Layout

Granada nahukay sa Navotas

explode grenade

AKSIDENTENG nahukay ang isang pampasabog o hand grenade sa Navotas City, kahapon ng umaga. Sa nakarating na ulat kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 10:20 am nang madiskubre ni Marcelino Estrada, 46 anyos, ng Kapitbahayan St., Brgy. NBBS Kaunlaran ang isang hand grenade Fragmentation MK2 (High Explosive) sa Lapu-Lapu St., sa naturang barangay. Lumabas sa imbestigasyon ni …

Read More »

Pagtaas ng Philhealth premium ipagpaliban – Gabriela Women’s Party

Philhealth bagman money

NANAWAGAN ang Gabriela Women’s Party sa pamahalaang Duterte na ipagpaliban ang napipintong pagtaas ng bayarin sa Philhealth sa gitna ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon kay Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party, nakatakdang itaas ang bayarin sa Philhealth sa papasok na buwan ng Hunyo. Anang militanteng mambabatas, matindi ang bigwas ng pagtaas ng premium ng Philhealth …

Read More »

Sariling katawan isinalaksak
BIYUDONG NALULUMBAY SA ASAWANG PUMANAW PATAY SA BAKOD NA BAKAL

Dead body, feet

WALANG BUHAY nang matagpuan ang 49-anyos biyudo na hinihinalang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagsalaksak sa kanyang katawan sa bakod na may patusok na bakal ng isang tahanan sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Ritchie Joseph Castro Dy, 49, biyudo, tubong San Carlos, Pangasinan at residente sa Apollo Drive, Maries Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon …

Read More »

Eksperto, hindi polpolitiko sa DOE

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo sa Hulyo, higit na kailangan ang ibayong pagkilatis sa mga itatalaga sa iba’t ibang departamento. Sa nakalipas na tatlo’t kalahating dekada, nagmistulang gantimpala sa mga sumuporta sa kandidatura ng mga nagdaang Pangulo ang mga sensitibong puwesto sa pamahalaan – kabilang ang Department of Energy, isang kagawarang higit …

Read More »

Tag-ulan na naman

rain ulan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong OPISYAL nang nagparamdam ang Agua de Mayo nitong nakaraang Linggo. Ibig sabihin, tag-ulan na po. Gaya nang dati muli po tayong magpapaalala maging handa sa pagbabago ng klima o panahon. Kapag tag-ulan, nariyan ang ubo, sipon, trangkaso, alipunga, leptospirosis, at iba pa.                Sabi nga, wala nang ibang paraan kundi palakasin ang katawan, …

Read More »

Sa Mountain Province
MAG-AMANG NALUNOD NATAGPUAN SA ILOG

Lunod, Drown

Natagpuan ng mga nagrespondeng rescuer ang mga katawan ng isang lalaki at ng kaniyang anak na pinaniniwalaang nalunod, isang araw matapos umalis sa kanilang hahay para lumangoy sa isang ilog sa Brgy. Banawel, bayan ng Natonin, sa Mountain Province, nitong Linggo, 15 Mayo. Kinilala ni P/Capt. Carnie Abellanida, deputy information officer ng Cordillera PRO, ang mga biktimang sina Rindo Charwasen, …

Read More »

Sa Calauan, Laguna,
NO. 6 MWP NG CALABARZON TIMBOG

Sa Calauan Laguna NO 6 MWP NG CALABARZON TIMBOG Boy Palatino

NADAKIP ng mga awtoridad ang pang-anim sa most wanted persons ng Calabarzon PNP sa ikinasang manhunt operation sa bayan ng Calauan, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes, 16 Mayo. Iniulat ni Laguna PPO Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay PRO-CALABARZON Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Rogelio Brion, 66 anyos, magsasaka, at residente sa Brgy. …

Read More »

Sa Oslob, Cebu <br> ‘KANO PATAY SA PARAGLIDING

Oslob Cebu Paragliding

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang American national nang bumagsak ang kanyang glider sa bayan ng Oslob, lalawigan ng Cebu, nitong Linggo, 14 Mayo. Kinilala ang biktimang si Peter Clifford Humes, 63 anyos, education and safety director ng Paraglide Tandem International na nakabase sa Ocean City, New Jersey, USA. Ayon kay P/Col. Engelbert Soriano, director ng Cebu PPO, patuloy ang …

Read More »

Ikinayaman ang presyohang turon

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ALAM ng mga nakatrabaho ko sa Tempo sa loob ng 29 taon kung paano ako mapapasaya sa gitna ng deadline, isang simpleng turon lang sa ibabaw ng mesa ko, sa tabi ng aking coffee mug, at solved na ako. Noong mga panahong iyon, walang kahirap-hirap na mabibili sa kabilang kalye ang aking all-time comfort …

Read More »

Taas presyo sa de-lata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin

AKSYON AGADni Almar Danguilan INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kasunod na buwan ay magiging P20.00 ang kada kilo ng bigas… maaaring ang pinakaordinaryong bigas siguro. Sa ngayon nakabibili ako ng P28.00 kada kilo. Maalsa naman pero manila-nilaw at in fairness, hindi naman maamoy. Kaya mura, ito kasi iyong mga palay na inabutan ng bagyo o nalubog sa baha …

Read More »