Thursday , April 25 2024
Vilma Santos Jessy Mendiola Luis Manzano

Ate Vi may paalala kina Lucky at Jessy ngayong magiging mga magulang na 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog ni Vilma Santos na guest niya ang anak na si Luis Manzano at ang asawa nitong si Jessy Mendiola, nagbigay siya ng payo sa dalawa ngayong malapit nang maging magulang.

Sabi ni Vilma, “Ako kasi, as Momsy V, I’m so excited and continuously praying for Peanut (palayaw ng magiging anak nina Luis at Jessy) to be okay. And siyempre, para naman sa inyo, to my son, I’m happy too, because he’s happy. 

“For you Daddy, for you Mommy, it’s going to be the next chapter in your lives. I am not saying it’s going to be very, very smooth,” paalala ni Ate Vi.

Patuloy pa niya, “Pero, still, the most important thing is, lagi kayong mag-iisip nang pareho, as one. Kasi, wala na kayong choice eh. Mag-partner kayo. 

“Marami kayong pagdadaanang challenges. May mga time na mag-aaway kayo, sa totoo lang. May time pag-aawayan niyo rin si Peanut, sa totoo lang.

“But ang pinakaimportante, as long as the love and respect is there. Uulitin ko, the most important unit in our society, is family. Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement, lahat ‘yan manggagaling ‘yan sa pamilya,” ang paalala pa niya sa mag-asawa.

About Rommel Placente

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …