Alden Richards Bea Alonzo

Alden kumbinsido may laban sila sa makakatapat na show

I-FLEX
ni Jun Nardo

SPEAKING of Alden Richards, hinangaan ng nito  sa bagong partner na si Bea Alonzo ang galing magmemorya ng linya kapag taping day nila.

“Kaya nga naisip ko, hindi puwedeng petiks lang ako rito hindi gaya ng ibang kong show na chill lang,” sabi ni Alden.

Matapos mapanood ang first two episodes, buong ningning na sinabi ni Alden na, “May laban kami!”

Aminado si Alden na fan siya ng Bea-John Lloyd Cruz kaya ‘yung pangarap niya noon, naging reaalidad sa Start Up PH.

Sa banko  unang nagkita at nagkatrabaho sina Bea at Alden para sa paggawa ng isang endorsement.