Sunday , December 14 2025

Blog Layout

P20-M nakataya sa Asian Poker Championship

Asian Poker Championship 2022

NAKATAYA ang garantisadong P20 milyon premyo sa local poker enthusiasts  at ang pagkakataon na makaharap ang ilan sa pinakamahuhusay na poker professional players sa bansa sa gaganaping Asian Poker Championship main draw sa Hunyo 6-12 sa Metro Card Club sa Metrowalk, Pasig City. Ipinahayag ni Marc Rivera, miyembro ng organizing MCC at maituturing na  isa sa pinakamatagumpay na Pinoy poker …

Read More »

Haney tinanggalan ng korona si Kambosos

Devin Haney undisputed champion

TINANGHAL na ‘undisputed lightweight champion’ si Devin Haney   kahapon sa Marvel Stadium sa  Melbourne, Australia nang talunin niya via unanimous decision  si George Kambosos. Ginamit ni Haney (28-0, 15 KOs) ang kanyang ekselenteng jab para idikta ang takbo ng laban para mapabilib ang tatlong hurado sa iskor na 116-112, 118-110 at 116-112.  Ngayon, ang 23-year-old mula Las Vegas ay kinabig …

Read More »

Sa San Pedro, Laguna,
2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

Boy Palatino Sa San Pedro, Laguna 2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang mga tulak sa ikinasang drug buy bust operation nitong Sabado, 4 Hunyo, sa lungsod ng San Pedro, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Enrique Gabuyo, Jr., alyas Kid, 58 anyos, may asawa, construction worker, at residente sa Brgy. Magsaysay; at Erwin Sambrano, 39 anyos, may …

Read More »

Ibinebenta sa Cagayan de Oro
4 LALAKI ARESTADO SA P15-M PEKENG BARA NG GINTO

Gold Bars

NASAKOTE ang apat na lalaking nagbebenta ng pekeng gold bars sa ikinasang entrapment operation sa Capistrano Complex, Brgy. Gusa, lungsod ng Cagayan de Oro, nitong Sabado, 4 Hunyo. Kinilala ng Cagayan de Oro CPS ang mga suspek na sina Rey Naranjo, 58 anyos; Junalie Licawan, 58 anyos; Jerson Liquinan, 28 anyos; at Jimwel Homonlay, 33 anyos. Nabatid na mayroong isang …

Read More »

Ayaw mabitin sa inuman
LASENGGO TIMBOG SA PANUNUTOK NG BARIL

gun shot

KALABOSO ang inabot ng isang lalaki matapos tutukan ng baril ang kapatid ng kanyang kainuman sa bayan ng Cuyapo, lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula sa Cuyapo MPS, kinilala ang arestadong suspek na si Rick Flores. Nabatid na nakikipag-inuman si Flores sa isang kaibigan nang dumating ang kapatid ng huli upang sumundo. Dito nagalit ang suspek dahil kapag umalis …

Read More »

Sa Bulacan
34 SUGAROL, 6 TULAK, 3 PASASWAY NALAMBAT

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 34 sugarol, 10 drug traffickers, at tatlo kataong pawang may paglabag sa batas sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 4 Hunyo. Iniulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang anim na personalidad sa droga sa ikinasang sa buy bust …

Read More »

Sa Angeles, Pampanga
BEBOT NA NOTORYUS DRUG PEDDLER TIMBOG

shabu drug arrest

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value individual (HVI) at pinaniniwalaang talamak na tulak ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 3 Hunyo.    Sa ulat ni P/Col. Diosdado Fabian, acting city director ng Angeles CPS, nagkasa ng buy bust operation ang mga elemento …

Read More »

Wanted sa frustrated murder
TOP 8 MWP SA NAVOTAS ARESTADO

arrest, posas, fingerprints

ISANG lalaking nasa talaan ng most wanted persons (MWP) ang ibiniyahe sa kulungan matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si John Paul Reyala, 21 anyos, vendor at residente sa Site 8, Mandaragat St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) …

Read More »

Sa Navotas
TULONG SA SOLO PARENTS MULING BINALIK NG LGU

Navotas

IBINALIK ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga kalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) fund. Nasa 350 Navoteños na nag-apply para mag-renew ng kanilang solo parent identification cards ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy. Ang “Saya All, Angat All, Tulong Pinansiyal” ng LGU ng Navotas para sa solo parents ay parte …

Read More »

5 caught in the act (CIA) sa pot session

drugs pot session arrest

LIMA kataong hinihinalang drug personalities ang dinakip matapos mahuli sa aktong nagpa-pot session sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga suspek na sina Jerry Cabuang, 43 anyos; Ronnie Latorre, 38 anyos; Carlo Tisado, 31 anyos; Denmark Salvador, 37 anyos; at John Espinosa, 47 …

Read More »