PATAY ang pamangkin na babae ng alkalde ng bayan ng Sirawai, sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, nitong Sabado ng gabi, 7 Mayo. Kinilala ni P/Maj. Shellame Chang, tagapagsalita ng PNP PRO-9, ang biktimang si Sitti Warna Pawai Sala, 33 anyos, residente sa Brgy. Sirawai Proper at isang ‘job order worker’ ng Sirawai LGU, binaril habang nasa loob ng bahay …
Read More »
Sa ika-2 taon ng ABS-CBN shutdown,
‘FRANCHISE & JOBS KILLERS’IBASURA — KAPAMILYA PARTYLIST
SA IKALAWANG anibersaryo ng pagpapasara ng ABS-CBN nitong Huwebes, 5 Mayo, nagsama-sama ang ilang mga grupo upang kondenahin ang mga personalidad sa likod ng pagpapasara ng estasyon ng telebisyon na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa. Ipinahayag ng National Alliance of Broadcast Unions (NABU) at Kapamilya Partylist ang 70 congressman, partikular si Rep. Mike Defensor, nasa likod …
Read More »
Sa Loboc River
4 PATAY SA BUMIGAY NA LUMANG TULAY, 15 GRABENG SUGATAN
APAT katao ang binawian ng buhay habang 15 ang nasugatan matapos bumigay ang lumang tulay ng Clarin sa Loboc River sa bayan ng Loay, lalawigan ng Bohol, nitong MiyerkOles ng hapon, 27 Abril. Ayon sa ulat, bumigay ang tulay pasado 4:00 pm kahapon at may mga dumaraang sasakyan nang maganap ang insidente. Matatandaang napinsala ang tulay noong nilindol ang Bohol …
Read More »Sa Cagayan <br> HEALTHCARE WORKER GINAHASA, PINASLANG
NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 27-anyos respiratory therapist sa ilalim ng kama sa kanyang silid sa Brgy. Carig Sur, sa lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes, 25 Abril. Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si Ma. Jennifer Suzette Oñate, 27 anyos, tubong Gattaran, Cagayan, at nagtatrabaho sa Cagayan Valley Medical Center. Ayon sa pulisya, nakabalot ng kumot …
Read More »
Bus sa Maguindanao pinasabugan
3 PASAHERO SUGATAN
SUGATAN ang tatlong pasahero nang sumabog ang isang improvised explosion device (IED) sa loob ng isang bus na pag-aari ng Rural Tours na nakaparada sa tabing kalsada sa bayan ng Parang, lalawigan ng Maguindanao, nitong Linggo, 24 Abril. Ayon kay P/Lt. Col. Joseph Macatangay, hepe ng Parang MPS, naganap ang pagsabog dakong 8:45 am kahapon, may isang kilometro ang layo …
Read More »
Nag-swimming nang lasing
60-ANYOS KAMBAL NA SENIOR CITIZENS NALUNOD, PATAY
DALAWANG matandang lalaki ang nalunod sa dagat, nang magpasyang lumangoy kahit nakainom ng alak sa bahagi ng Brgy. Nibaliw Vidal, bayan ng San Fabian, sa lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 19 Abril. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang 60-anyos kambal na sina Robaldo at Reynaldo Garbo, kapwa residente sa Brgy. Sta. Ines, bayan ng Manaoag, sa nabanggit na lalawigan. Ayon …
Read More »
Pang-10 A321neo Airbus dumating na
CEBU PAC UMABOT NA SA 18 ECO-PLANES
TINANGGAP ng Cebu Pacific ang pagdating ng ika-10 bagong A321neo (New Engine Option) mula sa Hamburg facility ng Airbus nitong Martes, 12 Abril, kaugnay ng kanilang sustainability at environmental-friendly initiative na tiyak na mas makapagpapalakas ng kanilang operasyon. Ang pinakabagong A321neo ng Cebu Pacific, ang kanilang pang-18 eco-plane, ay kilala sa 20% pagtaas ng fuel-efficiency, bukod sa halos 50% pagbaba …
Read More »
CEB Super Pass muling inihahandog ng Cebu Pacific
“BUY ALL YOU CAN, FLY WHEN YOU CAN” SA HALAGANG P99
BILANG bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng Cebu Pacific, muling inihahandog sa pangatlong pagkakataon ang CEB Super Pass, mula 21 hanggang 27 Marso. Sa patuloy na pagluwag ng travel restrictions dahil sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa bansa, nakahanda ang Cebu Pacific upang tumugon sa mga ‘long-overdue travel plans’ ng mga Pinoy. Sa …
Read More »Lumang jeepneys huwag palitan, tsuper at operator pabawiin — Kiko
NANAWAGAN si vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes para suspendehin ang programa ng gobyerno na naglalayong tanggalin ang mga jeepney na 15 taon nang ipinapasada. Ayon kay Kiko, ito ay bilang tulong sa mga tsuper at mga operator na hindi pa man nakababawi, ay halos linggo-linggo nang ‘pinipilay’ ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo. “Ipagpaliban muna …
Read More »50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific
UMABOT sa higit 50 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 ang naihatid na ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa, sa patuloy nitong pagsuporta sa pambansang kampanya ng pamahalaan na mabigyan ng primary vaccines ang mga bata at mga nakatatanda, at booster jabs para sa mga bakunadong indibidwal. Simula noong Marso 2021, ligtas na naihatid ng Cebu Pacific …
Read More »Int’l network ng Cebu Pac mas lalong pinalawak
MULING sinimulan ng Cebu Pacific ang tatlong beses kada linggong flight patungong Bangkok, at patungong Fukuoka at Jakarta, kasabay ng pagluwag ng Philippine arrival quarantine restrictions at muling pagbubukas ng borders para sa mga turista ngayong buwan. Sa pagrerebisa ng IATF, ang entry and quarantine protocols para sa mga biyaheng internasyonal, pansamantalang sinususpendi ang classification restrictions sa mga bansa (green, …
Read More »
Sa Calbayog City, Samar
VETERAN JOURNALIST PATAY SA PAMAMARIL
ISANG beteranong mamamahayag na nakabase sa Pampanga ang binawian ng buhay matapos barilin sa loob ng kanilang tindahan nitong Miyerkoles ng gabi, 8 Disyembre, sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Jesus “Jess” Malabanan, 58 anyos, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at stringer ng Reuters; residente sa Langka St., lungsod ng Angeles, lalawigan …
Read More »Domestic operations ng Ceb Pac sa Bicol Int’l Airport sinimulan na
NAKATAKDANG ilipat ng Cebu Pacific ang kanilang operasyon sa bagong Bicol International Airport simula kahapon Biyernes, 8 Oktubre, matapos ang pagpapasinaya kahapon, 7 Oktubre. Papalitan ng Bicol International Airport, may kapasidad hanggang dalawang milyong pasahero kada tao, ang Legazpi Domestic Airport. Simula noong 2006, may flight ang Cebu Pacific patungo at mula sa Legazpi at nakapaglipad ng hindi bababa sa …
Read More »353 Pinoy mula Dubai inihatid pauwi ng Cebu Pacific (Sakay ng special commercial flight)
LIGTAS na naihatid pauwi ng bansa ng Cebu Pacific ang 353 Filipino nitong Miyerkoles, 8 Setyembre, mula sa Middle East sa pamamagitan ng Bayanihan flight, bilang pagtugon sa panawagang tulong ng pamahalaan na mapauwi ang overseas Filipino workers (OFWs). Bukod sa meal at baggage allowance upgrades, nakatanggap ang mga pasahero ng nasabing flight ng mga regalo mula sa Universal Robina …
Read More »Higit 8.5-M vaccine doses inihatid ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa
PATULOY ang paghahatid ng Cebu Pacific ng mga bakuna kontra CoVid-19 na umabot sa 8.5 milyong vaccine doses patungo sa 25 probinsiya simula noong Marso ng kasalukuyang taon. Sa huling dalawang linggo, inilipad ng Cebu Pacific ang higit sa 900,000 vaccine doses patungong San Jose, Ozamiz, Dumaguete, Legazpi, Puerto Princesa, Bacolod, General Santos, Iloilo, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, …
Read More »217 Pinoys mula Gitnang Silangan inilipad pauwi ng Cebu Pacific
LIGTAS na iniuwi ng Cebu Pacific sa bansa ang 217 Filipino mula sa Dubai, nitong Sabado, 4 Setyembre, sakay ng special commercial flight 5J 27, bilang bahagi ng pagtugon ng airline sa panawagan ng pamahalaan na tulungang makauwi ang overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded dahil sa travel restriction. Ito ang pampitong CEB-arranged Bayanihan flight na aprobado ng special working …
Read More »338 Pinoys sinundo ng Cebu Pac sa UAE (Sa pamamagitan ng Bayanihan flight)
INIUWI sa bansa ng Cebu Pacific nitong Miyerkoles, 1 Setyembre ang 338 Pinoys mula Dubai, bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na mapauwi ang mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan habang umiiral ang travel ban. Isinagawa ang ika-anim na special commercial flight o Bayanihan flight katuwang ang special working group ng pamahalaan. Matatandaang itinaas ng pamahalaan …
Read More »HK flight ibabalik na ng Cebu Pacific (6 biyahe kada linggo simula 1 Setyembre)
MULING ilulunsad ng Cebu Pacific ang direct flights patungong Hong Kong mula Maynila simula 1 Setyembre at layunin nilang bumiyahe sa rutang ito anim na beses kada linggo (maliban tuwing Sabado) para sa buwan ng Setyembre. Unit-unti nang ibinabalik ng Cebu Pacific ang kanilang international network bilang sagot sa pangangailangan ng mas maraming flight para sa mga carry essential travelers. …
Read More »
2nd dose ibinigay sa pamamagitan ng COVID Protect
95% flying crew ng Cebu Pacific bakunado na
INIULAT ng Cebu Pacific, 95 porsiyento ng kanilang mga pilot at mga cabin crew ay pawang bakunado na, at patungo sa pagkompleto ng employees inoculation sa Oktubre ngayong taon. Noong Huwebes, 26 Agosto, binigyan ng pangalawang dose ng bakuna kontra CoVid-19 ang ilang mga empleyado sa pamamagitan ng COVID Protect, ang kanilang programa na may layuning bakunahan lahat ang kanilang …
Read More »305 Pinoy sa Middle East sinundo ng Cebu Pacific Bayanihan flight
LIGTAS na naiuwi ng Cebu Pacific sa bansa nitong Miyerkoles, 25 Agosto, ang 305 returning overseas Filipino (ROF) mula Middle East, sakay ng Flight 5J 27, bilang pagtuwang sa pamahalaan sa pagpapauwi ng mga Filipino na nasa ibang bansa habang mayroon pang travel ban. Ito ang ikalimang special commercial flight na inilunsad ng Cebu Pacific mula Dubai pauwi ng Maynila. …
Read More »Sa Cebu Pac vaccination program: Libreng bakuna para sa mga empleyado, dependents sinimulan na
INILARGA ng Cebu Pacific nitong Huwebes, 29 Hulyo, ang kanilang vaccination program na layong bakunahan nang libre ang mga empleyado at kanilang mga dependent, at third-party workers. Bahagi ito ng Gokongwei Group’s CoVid Protect Program na nagsimula noong 6 Hulyo, na unang binakunahan ang frontliners mula sa Robinsons Retail. Kabilang sa unang batch ng bibigyan ng biniling mga bakuna ng …
Read More »PH ‘Weightlifting Fairy’ Hidilyn Diaz bayaning sasalubungin ngayon (P40.5-M pabuya naghihintay)
ni KARLA OROZCO SALUBONG sa isang bayani ang bubulaga kay Filipino ‘weightlifting fairy’ Hidilyn Diaz, sa makasaysayang pagkakamit ng gintong medalya sa women’s 55kg weightlifting sa Tokyo Olympics, sa kanyang pagdating sa bansa ngayong Miyerkoles, 28 Hulyo. Natamo ni Diaz ang kauna-unahang ginto ng Filipinas sa Olympics matapos talunin ang katunggaling Chinese na si Liao Qiuyun, at makapagtala ng dalawang …
Read More »Magnitude 6.6 lindol yumanig sa Batangas (Dama sa buong Luzon)
NIYANIG ng magnitude 6.6 lindol ang bayan ng Calatagan, sa lalawigan ng Batangas, nitong Sabado ng umaga, 24 Hulyo, na sinundan pa ng afterschocks. Sa kanilang earthquake bulletin, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang tectonic earthquake dakong 4:49 am na may lalim na 116 kilometro. Agad itong sinundan ng magnitude 5.5 na pagyanig dakong 4:57 am …
Read More »May-ari ng ospital patay sa pamamaril (Sa North Cotabato)
BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong doktor matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato, nitong Biyernes, 23 Hulyo. Kinilala ni P/Maj. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit MPS, ang biktimang si Dr. Robert Cadulong, may-ari ng Cadulong Medical Hospital sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan. Sa paunang …
Read More »Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)
BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent, habang sugatan ang dalawa niyang kaanak, nang mabagsakan ng Pine tree ang sinasakyan nilang taxi sa Camp 8, Kennon Road, sa lungsod ng Baguio, nitong Biyernes, 23 Hulyo. Kinilala ni Baguio City Police Office director P/Col. Glen Lonogan, ang namatay na biktimang si Esmerelda Suriaga, 39 anyos; at sugatan niyang mga kaanak na …
Read More »