Wednesday , March 22 2023

HK flight ibabalik na ng Cebu Pacific (6 biyahe kada linggo simula 1 Setyembre)

MULING ilulunsad ng Cebu Pacific ang direct flights patungong Hong Kong mula Maynila simula 1 Setyembre at layunin nilang bumiyahe sa rutang ito anim na beses kada linggo (maliban tuwing Sabado) para sa buwan ng Setyembre.

Unit-unti nang ibinabalik ng Cebu Pacific ang kanilang international network bilang sagot sa pangangailangan ng mas maraming flight para sa mga carry essential travelers.

“There is latent travel demand and we remain cautiously optimistic as we boost operations where it is needed most. We continue to listen to our passengers and we do all that we can to address their needs while we remain committed to prioritize everyjuan’s health and safety,” pahayag ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.

Ang mga pasaherong patungong Hong Kong ay kinakailangang magpakita ng kompletong HKG Department of Health Online Declaration form at negatibong RT-PCR test result na isinagawa sa loob ng 72 oras bago ang nakatakdang oras ng flight.

Kailangan din magpresenta ng kompirmasyon ng room reservation sa hotel sa Hong Kong nang hindi bababa sa 21 araw.

Ang mga fully-vaccinated na pasahero ay kailangan din magpakita ng kinikilalang vaccination record.

Para sa mga pinakahuling update, maaring bumista ang mga pasahero sa: bit.ly/HKG_COVID-19

Bukod sa Hong Kong, regular din ang Bayanihan flight mula sa Dubai patungong Maynila na nag-uuwi ng overseas Filipino workers (OFWs).

Muling inilunsad ng Cebu Pacific ang mga flight nito patungong Nagoya, Osaka, Seoul (Incheon), Singapore, Taipei, at Tokyo (Narita).

Maaaring makita ang mga travel document requirements at iba pang mga paalala sa: https://bit.ly/CEBFlightReminders

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Sa kasalukuyan, nabakunahan na ang 95% ng flying crew ng Cebu Pacific at inaasahang makokompleto ang employee inoculation sa darating na Oktubre.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

SM VDay KV

So you’re looking for the sweetest valentine? SM Supermalls’ gotchu!

Whether you’re single but not going solo, in a committed relationship, or just happy and …

AweSM Cebu Seaside

SM Seaside, your stage for extraordinary experiences

SM Seaside City Cebu transformed  itself into a colorful and festive destination for this year’s …

White Christmas Snow World Manila

White Christmas sa Snow World Manila

SINASABI ngang ang pinakamabiling plaka ng isang Christmas song ay ang awiting White Christmas ni Bing Crosby, na …

Little Lamb’s Carl Balita

Spa, salon para sa mga tsikiting pinasinayaan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBUKAS muli ang Little Lamb’s Spa. Salon, Clinic at Playground sa Connecticut Arcade sa …

Cebpac Maligayang P1so ngayong 11 11 Cebu Pacific Feat

Maligayang P1so ngayong 11.11 #CEBSuperSeatFest  muling handog ng Cebu Pacific

PATULOY ang pagbibigay ng maagang pamasko ng Cebu Pacific sa muling paghahandog ng P1SO SALE …

Leave a Reply