Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Creamline Kingwhale PVL Cignal

Creamline  humataw vs Kingwhale Taipei sa PVL Championship

HINDI naigupo ng KingWhale Taipei ang Creamline Cool Smashers nang muling makamit ang kampeonato sa Premier Volleyball League Invitation Conference sa score na 25-21, 25-19, 25-8, nitong Linggo ng gabi, 14 Agosto, sa Mall of Asia Arena.

Matapos ikasa ang kanilang players sa semifinal match-up na nagresulta sa kanilang pagkatalo sa five-set game noong Biyernes, pinangunahan ni Alyssa Valdez, kahit napinsala ng left ankle sprain sa huling laban, kasama sina Tots Carlos at Jema Galanza ang paghahatid sa Cool Smashers sa ikalawa nilang magkasunod na kampeonato ngayong taon, sa larong tumagal ng isang oras at 26 minuto.

Natamo kagabi ng Creamline ang kanilang ikalimang titulo sa pitong finals appearances sa PVL nang magwagi laban sa Taiwanese club team na na-sweep ang apat na laban sa semifinals.

Hindi nagpatinag ang Cool Smashers nang dalhin ni Ced Domingo ang koponan sa match point bago ipinako ni Valdez ang championship-clinching kill sa ikatlong set sa score na 20-5.

Nanguna si Carlos, leading scorer ng conference, sa 14 puntos; habang umambag sina Galanza ng 13 puntos; at Valdez ng siyam na puntos, 13 digs at walong eight excellent receptions.

Nakamit ni Domingo ang kanyang unang Finals MVP award matapos ang apat na blocks na kabilang sa kanyang nagawang 11 puntos.

Nagtala si Jia De Guzman, ang ace setter ng Creamline, ng 19 excellent sets, siyam na digs, at dawalang puntos.

Pahayag ni Creamline head coach Sherwin Meneses, mas marami ang kanilang pahinga kaysa KingWhale at halatang pagod na sila sa ikatlong set bagaman nagpakita rin sila ng magandang depensa.

Dagdag ni Meneses, maganda ang mindset ng Creamline habang nasa finals at kahit naungusan ng KingWhale noong pangalawang set, hindi sumuko ang kanyang mga manlalaro lalo ang bench players na sina Michelle Gumabao at Kyle Negrito.

Samantala, pinangunahan ni Brazillian import Beatriz De Carvalho ang KingWhale na may 12 puntos at siyam na digs.

Nakamit ni Tots Carlos ang kanyang pangalawang Conference MVP at Best Opposite Spiker award, habang itinanghal na Finals MVP si Ced Domingo.

Ginawaran si Alyssa Valdez at Ces Molina (Cgnal) ng Best Outside Spikers; Mika Reyes (PLDT) at Dell Palomata (PLDT) bilang Best Middle Blockers; Liao Yi-Jen (KWT) bilang Best Setter; at Qiu Shi-Qing bilang Best Libero.

Samantala, kinompirma ni PVL President Ricky Palou na ang Creamline Cool Smashers ang kakatawan sa Filipinas sa darating na 2022 Asian Women’s Volleyball Cup (2022 AVC Cup for Women) na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig simula sa 21 Agosto 2022. (KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …