Friday , October 22 2021

Karla Lorena Orozco

Higit 100 Taliptip relocatees magiging negosyante (Sa SMC community reselling program sa Bulacan)

NAKATAKDANG ma­ging micro entrepreneurs ang higit sa 100 dating mga residente ng coastal barangays ng Taliptip sa ilalim ng programa ng San Miguel Corporation (SMC) na magbibigay sa kanila ng training at puhunan upang maging business partners bilang community reseller ng kanilang mga produkto. Bahagi ito ng programa ng SMC kung saan bibigyan ng kompanya ng tulong pinansiyal, pabahay, skills …

Read More »

Cebu Pacific Advisory: Essential travels muna sa limitadong kilos sa Metro Manila

Cebu Pacific plane CebPac

SA PATULOY na pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya, inianunsiyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas mahigpit na mga panuntunan simula 22 Marso hanggang 4 Abril na tanging ‘essential travel’ lang ang pahihintulutan. Mababasa ang kompletong detalye ng IATF Resolution 104 sa: http://bit.ly/032121_IATFReso104 Sa loob ng …

Read More »

1,500 pasahero mula international flights itinakda kada araw (Sa CebuPac)

Cebu Pacific plane CebPac

UPANG maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variant ng CoVid-19 sa Filipinas, ipinatupad ng gobyerno na limitahan ang pagdating ng mga pasahero mula sa international flights sa bilang na 1,500 kada araw simula ngayong 18 Marso hanggang 18 Abril. Bilang pagsunod sa pinakahuling resolu­syon, kinansela ng Cebu Pacific ang mga sumusunod na flights mula 18 Marso hanggang 18 Marso 2021: …

Read More »

Agarang konstruksiyon ng Bulacan airport isinulong ng LGUs, at Bulacan residents (Sa public consultation)

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga lokal na opisyal, mga residente, at mga stakeholder para sa agarang konstruksiyon ng bagong Manila International Airport sa Brgy. Taliptip, sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, dahil naniniwala silang ang proyektong ito na itatayo ng San Miguel Corporation ay malaon pang magbubukas ng pang-ekonomiyang potensiyal ng lalawigan, makapagbibigay ng trabaho sa milyon-milyong Filipino, at …

Read More »

SMC cleanup sa Tullahan river umabot na hanggang 11.5 kms

PINALAWIG ng San Miguel Corporation (SMC) ang maaabot ng P1-bilyong Tullahan-Tinajeros river system cleanup hanggang sa 11.5 kilometro, halos kalahati ng kabuuang haba ng ilog na 27 kilometro, upang matulungan ang flood mitigation measures sa mga lungsod ng Navotas, Malabon, at Valenzuela, bago magsimula ang panahon ng tag-ulan. Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang, inaprobahan …

Read More »

Bagong baggage policy ng Cebu Pacific inilunsad

Cebu Pacific plane CebPac

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang bago nilang polisiya kaugnay sa mga ‘oversized baggage’ o mga bagaheng lumagpas sa itinakdang sukat upang lalong maging maginhawa ang paglalakbay para sa kanilang mga pasahero. Simula kahapon, 1 Pebrero, sinimulan na ang bagong polisiya ng Cebu Pacific kaugnay ng size limit para sa mga check-in baggage na hanggang 39 pulgada. Mas madaling magkasya sa …

Read More »

COVID insurance kasama sa add-on ng Cebu Pacific

Cebu Pacific plane CebPac

UPANG mabigyan ng kapanatagan ang mga pasahero sa kanilang flight, inilunsad ng Cebu Pacific (CEB) ang COVID Protect, ang pinakabago nilang add-on sa CEB Travelsure. Kabilang sa upgrade na ito ang mga gastusin sa pagamutan at mga gamutan na may kaugnayan sa CoVid-19. Sa pamamagitan ng COVID Protect, ang mga pasaherong magpopositibo sa CoVid-19 ay makakukuha ng hanggang P1 milyong …

Read More »

Pinoy galing Dubai, positibo sa UK CoViD-19 variant

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) na isang Filipino mula sa Dubai, United Arab Emirates ang nagpositibo sa bagong coronavirus variant na unang nadiskubre sa bansang United Kingdom. “The DOH and the PGC today officially confirm the detection of the B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) in the country after samples from a Filipino who arrived …

Read More »

9-anyos bata sa Argentina iniligtas ng krusipiho

NAILIGTAS sa tiyak na kapahamakan ng krusipihong kuwintas suot ng isang 9-anyos batang lalaki sa bansang Argentina nang tamaan siya ng ligaw na bala sa gitna ng pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon. Naglalaro si Tiziano, 9 anyos, kasama ang kaniyang kapatid at pinsan sa labas ng kanilang bahay sa Las Talitas, Argentina noong bisperas ng Bagong Taon nang tamaan …

Read More »

Pangalawang ATR freighter ng Cebu Pacific karagdagan sa lumalaking cargo fleet

UPANG higit na palakasin ang cargo operations sa mga paliparan sa bansa na may maiikling runway, nagdagdag ng panibagong ATR cargo freighter ang Cebu Pacific. Sa kasalukuyan, maliit na bahagi lamang ng mga paliparan sa bansa ang kayang mag-accommodate ng jet aircraft, habang ang iba ay gumagamit lamang ng turboprops. Nai-convert ang ATR 72-500 aircraft na may tail number RP-C7253 sa …

Read More »

Provisional rape charge isinampa vs 11 suspek (Sa pagkamatay ng FA sa Makati hotel)

https://hatawtabloid.com/2021/01/04/flight-attendant-walang-malay-sa-hotel-bathtub-idineklarang-doa-sa-ospital/ SINAMPAHAN ng Makati City police sa prosecutor’s office nitong Lunes, 4 Enero, ang 11 kalalakihan ng provisional charge of rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng isang flight attendant noong unang araw ng bagong taon. Matatandaang natagpuang walang malay ang biktimang si Christine Angelica Dacera, 23 anyos, mula lungsod ng General Santos, sa bathtub ng kaniyang kuwarto sa isang …

Read More »

Libel ni Cam vs HATAW columnist & publisher ibinasura ng piskalya

WALANG malisya at maituturing na “qualified privileged” ang kolum na isinulat ni HATAW columnist/ publisher Jerry Yap sa pagkakasangkot ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III. Ito ang naging basehan ni Manila Senior Assistant City Prosecutor Teresa Belinda Sollano sa inilabas niyang resolusyon na nagbasura sa kasong Libel …

Read More »

Sa Tiaong, Quezon… Ex-solon, 2 pa naabo sa sinunog na kotse

HINIHINALANG pinatay muna saka isinakay sa kotse at sinilaban sa ibabaw ng isang tulay sa Tiaong, Quezon ang natagpuang tatlong bangkay, na ang isa ay pinani­niwalaang si dating congressman at naging Immigration commissioner Edgardo Mendoza. Natagpuan ang sunog na kotse kahapon ng madaling araw, Huwe­bes, 9 Enero sa tulay ng San Francisco, sa Bara­ngay San Francisco, Tiaong. Ayon kay P/Maj. …

Read More »

Kape mula Bukidnon at Sagada, wagi sa Milan, Italya

GINAWARAN ng Gourmet award ang Mirabueno Coffee mula Bukidnon habang nakatanggaap din ng Bronze award ang SGD Coffee mula Northern Sagada sa 5th International Contest of Locally Roasted Coffees na inorganisa ng Agency for the Valorization of Agricultural Products (AVPA) na ginanap sa lungsod ng Milan, Italy noong 21 Oktubre. Ito ang pangalawang beses na nagtamo ang Filipinas ng gantimpala …

Read More »

McDo, Maynila nagkasundong kumuha ng service crew sa hanay ng PWDs at Senior Citizens

LUMAGDA ang Golden Arches Development Corporation, franchiser ng McDonald’s Philippines, at si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang kinatawan ng Maynila, sa kasunduang tatanggap ang quick-service restaurant giant ng persons with disability (PWD) at mga senior citizen bilang kanilang crew sa 40 sangay sa lungsod ng Maynila. Nakipagkasundo ang McDonald’s Philippines sa pamahalaan ng kabisera ng bansa upang mapagtibay ang …

Read More »

Subscribers ng Cebuana nakompromiso sa ‘data breach’

INIIMBESTIGAHAN ng pamahaalan ang naganap na ‘data breach’ na ini­anunsiyo ng kompanyang Cebuana Lhullier (Cebuana) nitong Saba­do, na sinabing apektado ang personal data nang higit 900,000 nilang kliyente. Inihayag ng Cebuana na maaaring makuha ang mga personal na impor­masyon gaya ng kaa­rawan, address, at source of income ng mga kliyente sa nakompromisong e-mail server. Sa opisyal na pahayag ng Cebuana, …

Read More »

State of calamity idineklara sa Oriental Mindoro

ISINAILALIM ng lokal na pama­halaan nitong Miyer­koles, 1 Enero na nasa ‘state of calamity’ ang Oriental Mindoro matapos kitilin ang buhay ng tatlong katao at mga alagang hayop at sirain ang mga pananim at mga kabahayan ng flash flood noong 30 Disyem­bre 2018. Base sa naunang ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (PDRRMC) ng Mindoro Oriental, …

Read More »

17 rehiyon lumahok sa “Iispel Mo!”; Kinatawan ng NCR wagi (KASAGUFIL pinuri)

Angel Mayhe Gueco Virgilio Almario Iispel Mo KWF KASAGUFIL

KASABAY ng ika-155 na anibersaryo ng kapanganakan ni  noong Nobyembre 30, 2018, ginanap ang Ikatlong Pambansang Paligsahan sa Ispeling na pinamagatang “Iispel Mo!” sa UP Bahay ng Alumni, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon na nilahukan ng 17 mag-aaral mula sa mga rehiyon ng bansa. Magkatuwang na iniorganisa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kapisanan ng mga Superbisor at Guro …

Read More »

Army Capt. wagi vs giyera sa Marawi, sanggol na anak panalo sa PCSO

HINDI matatawaran ang kasiyahang makikita sa mukha ng pamilya nina Scout Ranger Company Commander Monroe Bongyad at kanyang pamilya na pinagigitnaan nina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Marlon Balite, General Manager Alexander Balutan, at Chairman Jose Jorge Corpuz sa nakaraang pagdiriwang ng ika-83 anibersaryo ng ahensiya nitong Huwebes, 26 Oktubre 2017, na ginanap sa Wack Wack Golf & Country …

Read More »

Mag-inang Fely Guy Ong at Herbert G. Ong kinilala ng Filipino Inventors Society (FIS) Inc. (Sa ika-74-taong pagkakatatag)

BILANG parangal sa kanilang ambag sa pag-unlad ng mga imbensiyon sa bansa, ginawaran ng pagkilala ng Filipino Investors Society, Inc., ang mag-inang Fely Guy Ong at Herbert G. Ong kasabay ng ika-74 taon pagka-katatag nitong Sabado, 14 Oktubre 2017 sa Roma Salon, Manila Hotel sa pangunguna ng kanilang Pambansang Pangulo na si Inv. Manuel Ruiz Dono. Ang FIS ang pinakauna …

Read More »