Sunday , September 8 2024

Cebu Pacific advisory: Pasahero may pagpipilian mula 12-30 Abril 2021

MULING inilagay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang NCR plus sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula 12 hanggang 30 Abril 2021 na tanging mga essential travel lamang ang pinapayagan makapasok at makalabas sa Metro Manila.

Makikita ang kompletong detalye ng IATF Resolution 109-A sa : http://bit.ly/IATFReso109-A

Kaugnay nito, patuloy ang operasyon ng Cebu Pacific sa mga naka-schedule na domestic at international flights, ngunit maaaring ipagpaliban ito ng mga pasaherong hindi essential ang biyahe sa pamamagitan ng pagpunta sa Manage Booking portal sa Cebu Pacific website (http://bit.ly/CEBmanageflight) hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang oras ng kanilang biyahe:

Sa Unlimited Rebooking, maaaring mag-rebook nang ilang beses at walang karagdagang bayad, kasunod ng permanenteng pagtanggal ng change fees ng Cebu Pacific. Maaari lamang magkaroon ng maliit na fare difference sa pag-rebook depende sa presyo ng ticket.

Sa Two-year Travel Fund, maaaring ilagak ang halaga ng ticket sa virtual CEB wallet na magagamit sa loob ng dalawang taon at maaaring gamitin sa pag-book ng bagong flight o pambayad sa add-ons (e.g. baggage allowance, seat selection, etc.)

Bago magtungo sa airport, pinapayohan ang mga pasahero na i-check ang / real-time/ status ng kanilang flight sa:/  https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck, pati ang / travel requirements, safety protocols,/ at frequently asked questions (FAQs)/ via/  https://bit.ly/CEBFlightReminders.

Pinapayohan rin ang mga pasahero na i-update/ ang kanilang contact/ details/ sa bit.ly/CEBUpdateInfo/ upang makatanggap sila ng email notifications/ tungkol sa kanilang flight.

Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe ang mga pasahero sa pamamagitan ng Charlie, ang chatbot/ sa Cebu Pacific website,/ o sa mga opisyal na Facebook at Twitter account ng Cebu Pacific.

(KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …

Senators discuss legalization of Medical Cannabis Bauertek Cancur

Senators discuss legalization of Medical Cannabis

 Lawmakers scrutinized the legalization of medical cannabis in the Philippines during its second reading at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *