Saturday , April 1 2023

305 Pinoy sa Middle East sinundo ng Cebu Pacific Bayanihan flight

LIGTAS na naiuwi ng Cebu Pacific sa bansa nitong Miyerkoles, 25 Agosto, ang 305 returning overseas Filipino (ROF) mula Middle East, sakay ng Flight 5J 27, bilang pagtuwang sa pamahalaan sa pagpapauwi ng mga Filipino na nasa ibang bansa habang mayroon pang travel ban.

Ito ang ikalimang special commercial flight na inilunsad ng Cebu Pacific mula Dubai pauwi ng Maynila.  

Nakatanggap ng pagkain at baggage allowance upgrades ang mga pasahero ng nasabing Bayanihan flight. 

“We are happy to be part of the government’s initiative to repatriate more Filipinos while the travel ban is still in effect. We hope that we can sustain these special commercial flights so we can serve more Filipino passengers,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer sa Cebu Pacific

Sa kanilang paglapag, sasailalim sa 14-araw na quarantine ang mga pasahero sa pre-booked at accredited na facility-based quarantine, at RT-PCR testing matapos ang pitong araw.

Sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastusin ng quarantine accommodation at testing para sa land-based overseas Filipino workers (OFWs); habang ng Philippine Port Authority ang sasagot ng gastusin para sa mga sea-based OFWs.

Samantala, babayaran ng mga non-OFWs ang kanilang sariling quarantine hotel at RT-PCR test.

Kabilang sa mga accredited na hotel para sa Bayanihan flight na ito ang Savoy Hotel, Manila Diamond Hotel, Lub D Makati, Go Hotels Ortigas, at Holiday Inn Manila Galleria.

Nakatakdang lumipad ang susunod na Bayanihan flight sa 1 Setyembre, at kabilang sa mga accredited hotels para rito ay Savoy Hotel Manila, Manila Diamond Hotel, Sheraton Hotel Resorts World Manila, Go Hotels Timog, at Go Hotels Ortigas.

Gayondin, ihahatid ng Cebu Pacific ang 400 OFWs mula Dubai deretso sa Davao sakay ng Flight 5J 09, ngayong Huwebes, 26 Agosto, sa repatriation flight na inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate sa Dubai.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *