Wednesday , June 24 2026
Intramuros Fire

Selos at poot ng ex-con sumiklab ‘maisan’ sa Intramuros nasunog

PINANINIWALAANG selos at galit ng isang lalaking nahuli ang asawa sa piling ng iba ang dahilan ng malaking sunog na tumupok sa isang residential area sa Intramuros, Maynila, nitong Miyerkoles, 25 Pebrero, na nag-iwan ng daan-daang pamilyang walang masisilungan at pinsala sa ari-ariang nagkakahalaga ng tinatayang P1.5 milyon.

Tinupok ng sunog na umakyat sa ikaapat na alarma, ang hindi bababa sa 300 bahay sa mataong lugar ng Maisan, sa Intramuros, at nagbuga ng makapal at maitim na usok.

Ayon sa mga awtoridad at sa mga nakasaksi, nagsimula ang sunog dahil sa galit ng isang residenteng kinilalang si alyas Burnok, isang ex-convict na kalalaya pa lamang mula sa pagkakapiit at may rekord nang ilang beses na pagkakakulong dahil sa mga kaso ng panghoholdap.

Nabatid na naabutan niya sa kanilang bahay ang kaniyang kinakasama sa piling ng ibang lalaki kaya agad siyang lumabas at bumalik na may dalang container na puno ng krudo, iniulat na kinuha mula sa truck ng kaniyang ama.

Sinabing dahil sa labis na galit, binuhusan ni alyas Burnok ng krudo ang loob at labas ng kaniyang tinitirahan na nasa ikaapat na palapag ng isang residential building saka niya ito sinindihan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang mga palapag hanggang sa bubungan, saka umabot sa iba pang mga bahay sa masikip na komunidad.

Binalot ng makapal at maitim na usok ang mga kalapit na kalye habang nabagsakan ng mga nasusunog na debris ang kalapit na mga bahay na pawang gawa sa light materials, dahilan upang mabilis na kumalat at lumaki ang apoy.

Nagpulasan ang mga residente kabilang ang mga estudyante, mga tindero, mga empleyado, dala-dala ang mga bata, mga alagang hayop, mga dokumento, at iba pang nasagip na gamit mula sa sunog.

Samantala, kinaharap ng mga bombero ang mabibigat na hamon kabilang ang limitadong supply ng tubig at masisikip na mga daanan.

Tumagal ang sunog nang higit sa anim na oras bago tuluyang naapula dakong 11:30 ng gabi, at nag-iwan ng hindi bababa sa 600 pamilya na nawalan ng tahanan.

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga residente nang pagtulungan nilang bugbugin si alyas Burnok bago pa makuha ng Manila Police District (MPD) sa kanilang kustodiya.

Pansamantalang nakasilong ang mga residenteng nawalan ng tirahan sa Delpan Sports Complex, habang nagtayo ng mga tent ang San Agustin Church sa labas upang mamigay ng mainit na pagkain sa mga apektadong pamilya. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …