Friday , March 24 2023
Cebu Pacific Bayanihan flight

1,417 Pinoy abroad umuwi sakay ng 7 Cebu Pacific Bayanihan flights

SAKAY ng pitong Bayanihan flights, inihatid pauwi ng Cebu Pacific sa nakaraang dalawang linggo ang 1,417 Filipino mula sa Dubai, bilang patuloy na suporta sa repatriation program ng pamahalaan.

Katuwang ang special working group ng pamahalaan, lumipad ang espesyal na commercial flights mula Dubai-Manila noong 11, 13, 18 at 20 Oktubre; at Dubai-Davao mula 21 hanggang 23 Oktubre.

Bukod sa meal upgrade, nakatanggap ang bawat pasahero ng mga Bayanihan flight ng karagdagang 25-kg baggage allowance.

Kinakailangang sumunod ng mga pasahero sa ipinaiiral na health protocols, kabilang ang mandatory facility-based quarantine, pagsailalim sa swab test sa ikalimang araw sa mga fully-vaccinated, o sa ikapitong araw para sa mga non/partially vaccinated, matapos ang kanilang pagdating.

Nakipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa mga hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ) upang matiyak na mayroong kaukulang pasilidad para sa mga OFW at sa kanilang mga kaanak.

Sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga gastusin sa quarantine hotel at RT-PCR test ng mga OFW.

Samantala, sasagutin ng mga returning overseas Filipinos (ROFs) o non-OFWs ang kanilang testing at minimum na 6-day quarantine hotel reservations sa parehong BOQ-designated stringent quarantine facilities.

“The Bayanihan flights were mounted so we can bring more Filipinos home.  We will keep on working to provide more ways to help more Filipinos, as we enter the holiday season,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Simula noong Hulyo, nakapagsundo na ang Cebu Pacific ng 6,500 Filipino mula sa Dubai, Abu Dhabi, Oman, India, Vietnam, Lebanon, at Bahrain sa pamamagitan ng Bayanihan flights at charter flights na inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 31 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 74-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.

 (KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Emi Calixto-Rubiano Zumba Pasay

Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Pasay

KASABAY ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, mahigit 1,000 babae at lalaki ang sabay-sabay na …

SM Womens Month feat

Be bolder, braver, and more confident at SM Supermalls’ Women’s Month celebration!

Ladies, take center stage as SM celebrates Women Power throughout the month of March. Lots …

Philippine Ports Authority PPA

PPA-CRMS nakakuha ng mataas na grado sa ARTA

PAGKATAPOS ng maingat na pagsasaalang-alang at serye ng mga pagsusuri, ang Philippine Ports Authority Administrative …

2 People Talking

Pag uusap ng magulang at anak tulay para iwas depresyon — Solon

HINIHIMOK ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, ang pamunuan ng Kamara …