Thursday , June 4 2026
Paeng Nepomuceno SSS
DUMALO ang anim na ulit na World Champion at World Bowling Hall of Famer na si Rafael “Paeng” Nepomuceno (kanan) sa press conference kaugnay ng Pension Reform Program, na ginanap sa Executive Lounge, SSS Main Office, Quezon City. Kasama sina (mula sa kaliwa) SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro at Finance Secretary Frederick D. Go. Tinalakay sa naturang pulong ang mga reporma na naglalayong palakasin at tiyakin ang pangmatagalang katatagan ng pensyon at mga benepisyo, alinsunod sa layuning “Sigurado ang Pensyon, Sigurado ang Benepisyo, at Sigurado ang Bukas” para sa mga miyembro at pensyonado. (HENRY TALAN VARGAS)

PH Athletes hinimok maging SSS contibutors ng Bowling ‘GOAT’

HINIMOK ni six-time World champion at World Bowling Hall of Famer Rafael “Paeng” Nepomuceno ang mga Pilipinong atleta na maging SSS (Social Security System) contributors.

Proud retiree pensioner ang itinuturing na bowling GOAT (greatest of all time) at ayon sa kanya, malaking tulong ang natatanggap niyang pension.

Kaya panawagan niya sa mga kapwa niya atleta, maging SSS contributor na.

“To all athletes and all involved in sports, mag-contribute kayo sa SSS ‘coz malaking tulong ‘pag nag-retire kayo, may maaasahang benefits. I, for one, malaking tulong na may nare-receive akong pension.” 

Umaasa si Nepomuceno na magkaroon ng pension program sa sports, gaya sa SSS.

Samantala, ipinagmalaki ni Department of Finance Secretary Frederick D. Go na tumaas ng 22.1 porsyento o mahigit sa P1 trillion na ang reserve fund ng SSS.

Mula sa P1.033 trillion noong 2024, umabot na sa P1.261 trillion ang pondo ng SSS sa taong 2025. 

Resulta, tataas din ang matatanggap na pension ng retirees simula September 2025 hanggang 2027.

Sa ilalim ng Pension Reform Program ng SSS, ayon kay Go, makakakuha ang mga retirement at disability pensioners ng karagdagang 10 posyentong kada taon, habang 5% kada taon para sa death at survivor pensioners.

Kaya sa loob ng tatlong taon, mabibiyaan ng 33 porsyentong dagdag pensyon ang retirement at disability pensioners, habang 16% para sa death at survivor pensioners.

Sinabi ni SSS President and CEO Robert Joseph M. De Claro, aabot sa 3.9 million pensioners ang makikinabang sa Pension Reform Program ng SSS. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …