Thursday , June 4 2026
3 Pakistani PDEA drugs

3 Pakistani timbog sa pekeng drugs

NADAKMA ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office – National Capital Region (RO-NCR) at ng iba pang law enforcement agency ang tatlong Pakitani national na nakompiskahan ng mga pekeng gamot sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Waseem, 60 anyos; alyas Mohy, 54 anyos; at alyas Salman, 25 anyos, pawang Pakistani national, mga residente sa Sun Valley, Barangay Sun Valley, Parañaque City.

Sa ulat ng PDEA, dakong 12:40 ng tanghali nang isagawa ang anti-drug operations kasama ang Eastern District Office (EPD), PDEA RO-NCR Southern District Office at Philippine National Police Dangerous Drugs Enforcement Group – Special Operations Unit (PNP DEG-SOU NCR) sa tahanan ng mga nasabing dayuhan.

Nasamsam sa mga suuspek ang 24 pakete ng Midazolam Injection IP, libo-libong tablet at vial ng Valium, Nalbin, NLB Injection, Bional Plus, at Rivotril, pati na rin ang iba’t ibang mga pekeng gamot tulad ng Ibuprofen Medicol Advance, Rabies Vaccine (Human I.P.), Buscogast, Tuseran Evitek Forte, Buscogast, Tuseran Evitek Forte, mga tablet, at iba pa.

Ang mga gamot na pampakalma, na ‘subject’ ng buybust operation, ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱120,000 habang inaalam pa ang kabuuang dami at halaga ng iba pang nasabat na mapanganib na droga.

Kasalukuyang nakapiit ang mga dayuhan sa PDEA RO-NCR at nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …