Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MPTC Tour of Luzon 2026
IDINAOS ang press conference ng MPTC Tour of Luzon 2026 nitong Lunes sa The Lighthouse, Meralco Bldg., Ortigas Avenue, Pasig City. Dumalo ang mga pangunahing lider at opisyal ng kaganapan at ng iba’t ibang institusyon.Makikita sa larawan (mula kaliwa pakanan) sina: Arrey A. Perez, Chief Organizer at CEO; Gilbert F. Sta. Maria, President at CEO ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC); Manuel V. Pangilinan, Chairman ng MVP Group of Companies; John Patrick Gregorio, Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC); Lorenzo Lomibao, Technical Director at Head of Commissaires ng TOL 2026; at Pearl Managuelod, Institute Director, Philippine Sports Institute (PSI). (HENRY TALAN VARGAS)

P12-M papremyo, nakataya sa MPTC Tour of Luzon 2026

MPTC Tour of Luzon 2026, inilunsad sa ginanap na press conference nitong Lunes sa The Lighthouse, Meralco Bldg., Ortigas Avenue, Pasig City.

Ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Tour of Luzon 2026 ay may temang “A Heritage in Motion,” na naglalayong ipakita ang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng bansa sa pamamagitan ng isport na cycling.

Nakatakdang maghatid ng matinding aksiyon at mas pinaigting na kompetisyon ang 2026 Tour of Luzon, kasunod ng matagumpay na pagbabalik nito noong nakaraang taon sa ilalim ng temang “Great Revival.”

Asahan ang mas mahahabang ruta, mas matinding bakbakan, at higit na kapanabikan habang naghahanda ang mga siklista para sa mas mabigat na hamon ngayong taon.

Mula sa walong yugto na sumaklaw sa pitong lalawigan, pinalawak at halos dinoble ang edisyong 2026 ng karera—na magtatampok ng 14 yugto sa 13 lalawigan—na gaganapin mula Abril 29 hanggang Mayo 13.

Magsisimula ang karera sa Calatagan South Beach sa Tagaytay at tutungo sa New Clark City, Palyan City, Santiago City, Tuguegarao City, Pagudpud, Paoay, Laoag, Candon, Candon City-San Juan, Subic, at Lingayen, bago magtapos sa Camp John Hay.

Ipinahayag ni Patrick Gregorio, chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), ang kanyang pananabik para sa taunang paligsahan sa pagbibisikleta at iginiit na “ang pagbibisikleta ay isport ng mga mapagkumbaba.”

“Ako’y naniniwala na malalim ang ugnayan ng pagbibisikleta sa mga Pilipino. Kapag nanonood sila ng siklista, nakikita nila ang kanilang sarili—ang pagpupunyagi, ang pakikibaka, at ang walang humpay na pagpedal pasulong. Gaya ng isang siklista na lumalaban sa bawat milya, ang mga Pilipino ay patuloy na humaharap sa hamon ng araw-araw na buhay,” aniya.

Dagdag pa niya, “Hindi lamang ito isport ng mga mapagkumbaba; ito rin ay malaking tulong sa sports tourism, sapagkat naipapakita nito sa buong mundo ang likas na ganda ng Luzon.”

Samantala, ayon kay Manny V. Pangilinan, pangunahing tagasuporta ng karera sa pamamagitan ng MVP Companies at Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), mas pinalaki ang kabuuang papremyo ngayong taon na aabot sa humigit-kumulang P12 milyon.

Tatanggap ng P2 milyon ang kampeon ng koponan, habang P1 milyon naman ang mapupunta sa indibidwal na kampeon. May nakalaang hiwalay na gantimpala rin sa bawat yugto ng karera.

Bilang isang masugid na tagasuporta ng isport, umaasa si Pangilinan na isang Pilipino ang magwawagi sa kompetisyon, lalo’t sariwa pa ang hamon na iniwan ni Joe Dae-Yeong ng South Korea sa mga lokal na siklista. Sa nakaraang edisyon, anim na segundo lamang ang naging pagitan niya kay Jan Paul Morales.

“Nais nating makita na magtagumpay ang mga Pilipino,” saad niya.

Inaasahang lalahok ang humigit-kumulang 150 siklista sa nasabing torneo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …