Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pato Gregorio PSC
MAGBABALIK sa lalawigan ng Cebu si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa ika-40 SAC-SMB Cebu Sports Awards sa 8 Marso 2026 sa Ayala Center Cebu Activity Center. (HENRY TALAN VARGAS)

Sa gaganaping SAC Awards sa 8 Marso 2026
PSC chair Pato Gregorio magbabalik sa Cebu bilang panauhing pandangal

DADALO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pato” Gregorio, sa 40th Sportswriters Association of Cebu–San Miguel Brewery (SAC-SMB) Cebu Sports Awards bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa makasaysayang okasyon na gaganapin sa 8 Marso sa Ayala Center Cebu Activity Center.

Isang masayang pagbabalik ito para kay Gregorio, na nanirahan sa Cebu sa loob ng anim na taon mula 2000 hanggang 2006 bilang general manager ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino at bilang chairman ng Cebu Visitors and Convention Bureau, kung kailan itinaguyod niya ang lalawigan bilang destinasyon ng sports tourism.

Isang batikang negosyante, hotelier, at sports executive, ang 58-anyos na si Gregorio ang ika-13 chairman ng PSC, ang ahensiyang pang-gobyerno na nangangasiwa sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa.

Bago naabot ang pinakamataas na antas ng pamumuno sa larangan ng sports sa Filipinas, nagsilbi si Gregorio sa iba’t ibang mahalagang tungkulin, kabilang ang pagiging pangulo ng Philippine Rowing Association, sa panahon na nakapasok ang mga Filipino rower sa 2020 Tokyo Olympics at 2024 Paris Olympics.

Nagsilbi rin siya bilang secretary-general ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), chairman ng Philippine Basketball Association (PBA) noong 2014–2015 season, at miyembro ng Executive Board ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Bukod dito, tumulong siya sa mga inisyatiba sa sports marketing ng Smart Communications at pinamunuan ang DuckWorld PH, isang sports management firm na muling naglunsad ng cycling event na Tour of Luzon.

Matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Gregorio bilang PSC chairman noong Hulyo 2025, tumuon ang kanyang administrasyon sa kapakanan ng mga atleta, pagpapalakas ng mga pasilidad pampalakasan, propesyonalisasyon ng pamamahala sa sports, at pagpapasigla ng sports tourism.

Kalaunan, itinalaga rin siyang mamuno sa National Sports Tourism Inter-Agency Committee sa ilalim ng Administrative Order 38 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, na naglalayong pagsamahin ang sports at promosyon ng turismo.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nag-host at naghain ng mga bid ang Filipinas para sa malalaking pandaigdigang kompetisyon sa volleyball, gymnastics, surfing, futsal, at tennis.

Kamakailan, pinarangalan si Gregorio bilang “Executive of the Year” ng Philippine Sportswriters Association (PSA), upang kilalanin ang kanyang mga unang tagumpay sa pagiging pinuno ng PSC.

Tiyak na magbibigay ningning ang presensiya ni Gregorio sa nalalapit na SAC Awards, lalo na sa pagbibigay-inspirasyon sa mga natatanging atletang Cebuano na magpursigi patungo sa higit na kahusayan sa kani-kanilang larangan. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng …

AFC Womens Asian Cup 2006 Football

Pilipinas haharap sa Iran sa gitna ng tensiyong political

GOLD COAST, Queensland — Haharap ang Philippine women’s football team sa Iran ngayong Linggo sa …