Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Huling 3 linggo ng Roja
DONNY AT KYLE PINATINDI SAGUPAAN

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SASAGARIN na nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri ang pakikipagsagupaan para sa pinakamalaki nilang laban sa mas maaksiyon na huling tatlong linggo ng Kapamilya teleseryeng Roja.

Matinding pasabog ang hatid ng “final escape” trailer na inilabas ng ABS-CBN kamakailan na masusubok ang samahan at prinsipyo nina Liam (Donny) at Olsen (Kyle) sa gitna ng tumitinding sigalot laban sa grupo ng hostage-takers sa pangunguna ni Emil (Joel Torre).

Manganganib kasi ang relasyon ng mag-inang Liam at Greta (Lorna Tolentino) matapos mabulgar na si Greta nga ang utak sa likod ng hostage-taking sa La Playa Roja. Sa kabilang banda, magtutuos na rin si Olsen laban kay Homer (Christian Vasquez), ang pinaghihinalaan niyang tunay niyang ama na kasabwat din ng kalaban.

Sa kabila ng personal na alitan, malalagay naman sa alanganin ang buhay ni Liam dahil harap-harapan siyang babarilin ni Emil para makamit na nito ang matagal na niyang inaasam na paghihiganti laban sa pamilya Roja.

Ibubuwis din nina Liam at Olsen ang kanilang buhay sa huling pagkakataon upang subukang iligtas ang mga natitirang hostage na nakakulong sa isang tunnel sa ospital na kargado ng mga bomba.

Para mapanood ang huling tatlong linggo ng Roja  sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2. 

Tutukan ang maaksyong pagtatapos ng Roja, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …