Thursday , June 4 2026
PhilCycling Road Nationals
NAGDIWANG si Ronald Oranza matapos tawirin ang finish line at masungkit ang kampeonato sa Criterium ng PhilCycling Road Nationals sa Tagaytay City. (PhilCycling photo)

Oranza, Francisco, Monton namayagpag sa Criterium ng PhilCycling Road Nationals

PINANGUNAHAN ng mga pambansang atleta na sina Ronald Oranza at Jude Gabriel Francisco, kasama ang Filipino-American na si Mary Joyce Monton, ang Criterium races bilang panimula ng aksiyon sa PhilCycling National Championships for Road 2026 noong Lunes sa Tagaytay City.

Nanguna si Oranza sa Men’s Elite category, namayani si Francisco sa Men’s Under-23, at si Monton—na nakabase sa Los Angeles—ang pinakamahusay sa Women’s Elite ng kampeonato na inorganisa ng PhilCycling sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Nakumpleto nina Edson Corbadora at Ronnilan Quita ang podium sa Men’s Elite ng karerang ginanap sa 2.2-kilometrong sirkito na nagsimula at nagtapos sa Praying Hands Monument sa Tagaytay City. Samantala, nagtapos na 1-2 sina Marvin Mandac at Mark Alex Baruelo sa Under-23 race.

Pumangalawa at pumangatlo kina Monton ang mga pangunahing miyembro ng national team na sina Maritoni Krog at Phoebe Salazar sa karerang itinanghal ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Philippine Sports Commission, at sinuportahan ni Tagaytay City Mayor Brent Tolentino at ng Tagaytay CT Velodrome.

Nangibabaw naman sina Rayven Joy Valdez, Althea Campana at Angeline Elvira sa Women’s Under-23 ng karera na sinuportahan din ng Excellent Noodles at 7-Eleven Philippines.

Sa Junior races, nakumpleto nina CJ Cabreros, Kylle Flores at Piolo Calimlim ang podium sa Men’s division, habang nagwagi sina Maria Louisse Criselle Alejado, Althea Nicole Coronado at Eloiza Pajarito sa Women’s contest.

Ang iba pang nagwagi sa Youth categories ay ang mga sumusunod:

Men (12-13) — Mark Terrence Orcino, Ren Axcel Pecson at Johnzoe Canasa;

Women (14-15) — Allaeza Mae Gulmatico, Alessandra Nicole Paras at Princess Jaydee Pancho;

Men (14-15) — Jannshen Sta. Juana, Jyohan Toledo at Louie Jerome Murillo.

Paglalabanan din ang Individual Time Trial at Individual Road Race events simula Martes hanggang Biyernes. (PhilCycling/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …