Wednesday , November 30 2022
Cebu Pacific plane CebPac

Libreng flights para sa PH Olympic delegation, regalo ng Cebu Pacific (EveryJuan of them deserves to fly)

LUBOS na ikinararangal ng Cebu Pacific ang kabayanihan ng delgasyon ng Filipinas sa Tokyo Olympics matapos magkamit ng higit sa isang medalya sa unang pagkakataon simula noong Los Angeles 1932 Olympic Games.

Kaisa ng lahat ng Filipino, ipinagmamalaki ng Cebu Pacific ang 19 atletang Pinoy na kumatawan sa ating bansa.

Bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na magbigay ng karangalan sa Filipinas, inahahandog ng Cebu Pacific ang libreng flights para kina Hidilyn Diaz, Eireen Ando, Kurt Barbosa, Margielyn Didal, Luke Gebbie, Kris Knott, Eumir Marcial, Irish Magno, Cris Nievarez, EJ Obiena, Carlo Paalam, Bianca Pagdanganan, Juvic Pagunsan, Nesthy Petecio, Remedy Rule, Yuka Saso, Jason Valdez, Kiyomi Watanabe, at Carlos Yulo.

“All our athletes have uplifted the country’s spirits amid this challenging time. We are grateful to them for going above and beyond, and we know they all have respective support teams behind them – this is why we want to have them and their loved ones enjoy free flights from us,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for Marketing & Customer Experience ng Cebu Pacific.

Bawat isang miyembro ng Philippine delegation ay makatatanggap ng 25 libreng flights, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng airline.

Maaaring magamit ang mga ticket sa kahit anong domestic at short haul destination sa network ng Cebu Pacific network.

Gayondin, maaaring ibahagi ng mga atleta ang kanilang mga ticket sa kanilang teammates, mga pamilya, at kahit sinong kabilang sa kanilang support system.

“We know it takes a village, and all those behind our athletes also poured their efforts into this. Each and every Juan of you deserve to fly,” dagdag ni Iyog. (GMG)

About Gloria Galuno

Check Also

Ikaw, Ako at BoC Puno ng Kinabukasan Customs

Ikaw, Ako at BoC:
Puno ng Kinabukasan

PINANGUNAHAN ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang nationwide tree planting program ng Bureau of …

plastic ban

Will the Philippines finally end single-use plastic?

The country’s single-use of plastic may finally come to an end. But one relevant question …

National science fair in Region 1 goes to Pangasinan Feat

‘National science fair in Region 1’ goes to Pangasinan: S&T at the forefront of enriching lives in the region

By Rosemarie C. Señora, DOST-STII, S&T Media Service A total of 1,635 visitors flocked this …

green light Road traffic

Problema sa kaligtasan sa lansangan ng mga batang Pinoy dapat tugunan

DAPAT matugunan ng gobyerno ang problema sa kaligtasan sa lansangan ng mga batang Filipino. Ginunita …

#SuperAte Imee Marcos

#SuperAte Imee, ipinagdiwang ang pinaka-makahulugang kaarawan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Senator Imee Marcos ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan last Nov. 12 sa Southern part ng bansa, bitbit niya …

Leave a Reply