Thursday , December 7 2023

240 homegrown Pinoy pilots target ng CebPac (Training program inilunsad)

PORMAL na inilunsad ng Cebu Pacific ang US$25-milyong Cadet Pilot Program sa pangunguna ni President & CEO Lance Gokongwei, katuwang ang Flight Training Adelaide (FTA) para lumikha ng 250 cadet-pilots na magiging full-fledged First Officers na magiging Captains sa hinaharap. Ang nasabing programa ay magsasanay ng homegrown Filipino pilots na may best-in-class international standards. Nasa larawan sina Capt. Sa, Avila II, VP for Flight Operations; Steve Young, ang may-ari ng Flight Training Adelaide (FTA); at Johan Pienaar, CEO ng FTA. (EDWIN ALCALA)

MATAPOS bigyan ng murang biyahe ang bawat Juan, mga de-kalidad at mahuhusay na piloto naman ang nais ipagkaloob ng Cebu Pacific mula rin sa hanay ng mga Filipino na nais umangat ang buhay sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang pangarap na makapagpasalipawpaw ng erop-lano sa himpapawid.

Kahapon, pormal na inilunsad ng Cebu Pacific at Flight Training Adelaide (FTA) ang US$25-milyong Cadet Pilot Program na naglalayong makapagpaunlad ng 240 professional pilots sa loob ng limang taon.

Kompiyansa si Cebu Pacific President & CEO Lance Gokongwei, ang Cadet Pilot Program, katuwang ang Australian’s FTA ay makalilikha ng highly skilled aviators na magiging First Offi-cers at Captains sa hinaharap, na magpapalipad ng kanilang mga Airbus.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga aplikante ay kinakailangang Filipino, college graduate at may kakayahan sa wikang English.

Ang mapipiling aplikante ay 52 linggong magsasabay sa FTA sa Adelaide, Australia.

Ang FTA, ay kilalang provider ng world-class, customized aviation training solutions para sa fixed wing at rotary wing industry.

Itinatag noong 1982, ang FTA ay nakatuon sa pagsasanay ng magaga-ling na airline at helicopter captains, hindi lamang mga cadet na gustong kumuha ng lisensiya.

Ayon kay Gokongwei, hindi kailangan mag-aalala ang makapapasang aplikante dahil sasagutin muna ng Cebu Pacific ang gastos sa kanilang pagsasanay at babayaran nila ito sa loob ng 10 taon.

Matapos ang kanilang 52-linggong pagsasanay sa FTA sila ay bibigyan ng diploma sa Aviation.

Kasunod nito, sasa-nayin sila sa flight stimulator, flight time sa actual aircraft upang makom-pleto ang rekesitos para maging commercial pilot.

Ito ang panahon na sila ay babalik sa Maynila sa apat na linggong training upang makakuha ng pilot’s license sa i-lalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

(GLORIA GALUNO)

About Gloria Galuno

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *