Friday , September 30 2022

4th batch ng CoVid-19 vaccine mula China inihatid ng Cebu Pacific (1-M doses dinala sa Maynila; 52,000 inilipad sa 5 lungsod)

MULA kaliwa hanggang kanan: Jose Laurente, Jr., Cebu Pacific Director, Cargo Sales; Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, DOH-Procurement and Supply Chain Management; Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer of the NTF against COVID-19; Dr. Francisco Duque III, Health Secretary, Department of Health (DoH); Alex Reyes, Cebu Pacific Chief Strategy Officer; Marvin Cui, Cebu Pacific Director, Special Projects.

MULING naghatid ang Cebu Pacific ng pani­bagong batch ng isang milyong doses ng CoVid-19 vaccine mula Beijing hanggang Maynila nitong Linggo, 6 Hunyo – ang ikaapat na kargamento ng mga bakunang inihatid ng airlines sa pakiki­pag­tulungan sa Department of Health (DOH).

Ligtas na naihatid ang mga bakunang naka­lagak sa temperature-controlled containers, sakay ng chartered na A330 flight 5J 671 ng Cebu Pacific, dumating sa NAIA dakong 7:35 am kahapon.

“We remain optimistic that the continuous airlifting of these life-saving vaccines will pave the way in inoculating a sizeable amount of the population.  We appreciate the support of Cebu Pacific and other Philippine carriers in this mission of distributing COVID 19 vaccine supplies even to the far regions of the archipelago,” pahayag ni vaccine czar, Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.

Pagdating sa Maynila, agad ininspeksiyon ang lahat ng mga bakuna ng mga awtoridad bago inilipat sa mga cold storage van at mga pasilidad.

“We remain grateful for the opportunity to support the government’s vaccination program. We are keen to transport the vaccines, whether internationally or domestically, so that our national vaccination campaign meets its targets,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Noong isang linggo, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng may kabuuang 51,800 CoVid-19 vaccine doses sa limang lungsod – Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Cotabato, Zam­boanga, sa Tuguegarao.

Sa kasalukuyan, nakapag­biyahe ang Cebu Pacific ng 3.5 milyong vaccine doses mula China hanggang Maynila, at nakapaghatid ng higit sa 1.1 milyong doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula noong Marso.

Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.

 (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply