Monday , October 25 2021

41,480 doses ng CoVid-19 vaccines inihatid ng Cebu Pacific sa Tuguegarao, Palawan

MULING naghatid ang Cebu Pacific ng panibagong batch ng mga bakuna kontra CoVid-19 sa mga lungsod ng Tuguegarao at Puerto Princesa nitong Biyernes, 16 Abril.

Pang-apat na ang pagbiyahe ng 35,080 doses ng bakuna sa lalawigan ng Cagayan, habang pangalawa sa Palawan na naghatid ang Cebu Pacific ng 6,400 doses ng bakuna.

“We are happy to be able to carry more of these life-saving vaccines to ensure timely distribution across the archipelago is unhampered. Trust that Cebu Pacific will continue to guarantee these are handled well so they arrive safely and in great condition,” pahayag ni Alex Reyes, President at CEO ng Cebgo.

Nang dumating ang mga bakuna sa CEB Cargo Warehouse sa Maynila noong Biyernes, agad inilagak sa refrigerated containers upang matiyak na mapapanatili ang optimum conditions hanggang sa paghahatid sa kaukulang mga destinasyon.

Patuloy ang pagtulong ng airline sa pamahalaan upang mapababa ang mga kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Sa kasalukuyan, nakapag­hatid ang Cebu Pacific ng tinatayang 264,000 doses sa Visayas at Mindanao pati sa ilang bahagi ng Luzon. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Mga sikat na online personalities sa kanilang #BestTimeWithGlobe

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG sikat na social media personalities, Dr. Kilimanguru, DJ Jhai Ho, at Kiray Celis ang …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Francine Diaz, Alvin Professional Skin Care

SIKRETO NI FRANCINE SA MAGANDANG MUKHA IBINAHAGI

HARD TALK!ni Pilar Mateo SA isang tsikahan sa miyembro ng Gold Squad na si Francine Diaz, inamin nito …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Insomnia

Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong, Tawagin n’yo na lang po akong Romeo, 46 years old, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Leave a Reply