Wednesday , October 9 2024

Agarang konstruksiyon ng Bulacan airport isinulong ng LGUs, at Bulacan residents (Sa public consultation)

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga lokal na opisyal, mga residente, at mga stakeholder para sa agarang konstruksiyon ng bagong Manila International Airport sa Brgy. Taliptip, sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, dahil naniniwala silang ang proyektong ito na itatayo ng San Miguel Corporation ay malaon pang magbubukas ng pang-ekonomiyang potensiyal ng lalawigan, makapagbibigay ng trabaho sa milyon-milyong Filipino, at makatutulong sa bansang makabangon mula sa pandemyang CoVid-19.

Binigyang tinig ni Bulacan governor Daniel Fernando, Bulakan myor Vergel Meneses, mga opisyal at mga residente sa Brgy. Taliptip at Brgy. Bambang ang kanilang suporta para sa P740-bilyong proyekto sa isang public hearing na isinaga­wa ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Lunes, 15 Marso.

Anang mga lokal na opisyal at mga residente, pormal silang kinonsulta at maingat na pinag-aralan ang mga bene­pisyong matatanggap ng lalawigan mula sa pagtatayo ng paliparan, kabilang ang pagresolba sa matagal nang suliranin ng pagbaha rito.

“Ang proyektong ito ay maghahatid ng ibayong kaunlaran at mataas na antas ng pamumuhay,” ani Gob. Fernando, na idinagdag pang ang lalawigan ay nakatakdang maging pandaigdigang destinasyon para sa turismo hatid ng pagtatayo ng bagong paliparan.

Ayon kay Meneses, ang kanilang bayan ay mapalad na maging estratehikong lokasyong nababagay tayuan ng makabagong paliparan na sagot sa suliraning pagsikip ng mga paliparan na nakaapekto sa mga biyahero sa mga kasalukuyang gateway ng bansa.

“Ang proyekto po ay sinusuportahan ko, ng Sangguniang Bayan at Bayan ng Bulakan. Amin pong ninanais na masimulan ang proyekto sa lalong madaling panahon, dahil batid namin ang maraming oportunidad na bubuksan nito sa aming bayan,” ani Meneses.

Binigyang diin ni Meneses, pinag-isipang mabuti ng kanilang lokal na pamahalaan ang mga benepisyong matatang­gap ng Bulakan mula sa proyektong ito gaya ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya, trabaho para sa mga residente, at mga bagong negosyo kasabay ng pagtatayo ng paliparan.

Inilabas ng konseho ng bayan ang pormal nilang desisyong suportahan ang proyekto noong 27 Oktubre 2020.

Sinabi mga kapitan ng Brgy. Taliptip at Brgy. Bambang na sina Michael Ramos at Jesus Cruz, napapanahon ang proyekto ng San Miguel dahil marami sa kanilang mga residente ang nakararanas ng kahirapan bunsod ng pandemya ng CoVid-19.

Anila, bago pa man ang konstruksiyon, nagbigay na ng skills training at hanapbuhay ang San Miguel para sa mga residente.

Nakatanggap ang may kabuuang 364 benepisaryo ng tulong pinansiyal mula sa SMC na nagbigay ng P250,000 kada may-ari ng 277 barong-barong habang nakatanggap ang mga may-ari ng P100,000 at dobleng halaga ng kanilang mga konkretong bahay.

Binigyan din ng tulong pinansiyal ang 87 iba pang hindi kalipika­do.

Ayon sa isang dating residente sa Sitio Bunutan na si Patrick Garcia, “Mas napaganda po ang estado ng buhay namin ngayon kompara sa buhay namin sa coastal areas. No’ng sa coastal areas lagi kaming binabaha at inililikas kami sa evacuation center. Ngayon ay wala na kaming pangamba.”

Isa pang relocatee, si Jimmy San Jose, ang kasalukuyang namama­hala ng pagtatanim ng mga bakawan at pagpa­pa­rami ng mangrove crab sa ilalim ng SMC at pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

“Ako po ay tumutu­long ngayon sa San Miguel sa proyekto ng mangrove at mudcrab na gagawin namin sa susunod na araw kaya po magtatanim kami ng bakawan na paglalagyan ng mudcrabs,” ani San Jose.

Samantala, sa pagtutulungan ng San Miguel Corporation at Technical Education Skills Development Authority (TESDA), nakompleto ng may kabuuang 58 mga dating residente sa Brgy. Taliptip ang training sa iba’t ibang kurso na maghahanda sa kanila upang magkaroon ng trabaho habang itinatayo ang paliparan at kapag full operation na ito.

Kabilang sa mga nagsipagtapos sina Arvee Vasquez at Jojit Teodoro, dating mga residente sa Brgy. Taliptip, at ngayon ay nagtatrabaho bilang heavy equipment operator sa P1-bilyong Tullahan-Tinajeros dredging project.

“Nagpapasalamat kami dahil bukod sa pabahay ay nabigyan kami ng pagsasanay at magandang hanapbuhay ng San Miguel. Kami po ay heavy equipment operators sa Tullahan dredging,” ani Vasquez at Teodoro.

Bukod sa training, nagsagawa rin ang SMC sa pakikipagtulungan ng Brgy. Taliptip ng mga community training program na kinabibi­langan ng fish and meat processing at entrepreneurship.

Kaugnay nito, nagtayo ang isang grupo ng mga dating residente sa Sitio Kinse ng isang puwestong nagtitinda ng mga produkto ng Purefoods at Magnolia sa ilalim ng community reselling program ng kompanya na binigyan ng SMC ang mga kalipika­dong relocatees ng puhunan at paunang imbentaryo ng mga produkto, na ngayon ay bumubuo na ng mga grupo at mga koopera­tiba.

Naglatag ang SMC ng malawakang flood mitigation plan kasama ang pagtatanim ng halos 200,000 mangroves o bakawan sa kahabaan ng dalampasigan ng Bulacan, at paglilinis, dredging, at pagpapa­lawak ng pangunahing Bulacan tributaries na kabilang sa Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) sa Bulacan.

Matagal nang sulira­nin ang coastal flooding para sa mga residente ng Bulacan, kabilang ang mga residente ng Brgy. Taliptip na nakalipat na sa mga konkretong bahay sa mas ligtas na lugar sa Bulacan at iba pang lalawigan sa pamama­gitan ng tulong mula sa SMC. (KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Connecting Continents: The Impact of ICTSI’s Operations in Nigeria on Philippine Trade and Development

INTERNATIONAL Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) has established itself as a global leader in port …

DOST 1 Builds Stronger Communities with CEST Program

DOST 1 Builds Stronger Communities with CEST Program

IN CELEBRATION of the 35th National Statistics Month, the Department of Science and Technology Region …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *