TIWALA si Senator-elect Alan Peter Cayetano na katulad ng South Korea, sisikat din sa buong mundo ang sining at kultura ng Filipinas. “Alam mo ‘yung pinagdaanan natin pagdating sa performing arts, sa [visual] arts, sa maraming bagay, sa mga produkto, pinagdaanan ng Korea ‘yan,” pahayag ni Cayetano sa kanyang talumpati nang pasinayaan ang “Back in the Day,” isang art exhibit …
Read More »Blog Layout
Kompiyansa sa sining ng Filipinas,
Pakikilahok ng LGUs sa edukasyon dapat paigtingin
ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang mas aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa paghahatid at pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Tinukoy ni Gatchalian ang ilang mahahalagang papel na ginampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Ayon sa senador, mas agarang natutugunan ng mga lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng …
Read More »Di kilalang babae tumalon sa condo, bumagsak sa 6/F patay
HINIHINALANG nagpatiwakal ang hindi kilalang babae sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali at bumagsak sa ika-anim na palapag ng isang condominium sa Quezon City, nitong Martes ng umaga. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 7:00 am, kahapon 14 Hunyo, nang madiskubre ang nakabulagta at duguang katawan ng hindi kilalang biktima sa …
Read More »Senator-elect Robin Padilla ‘namasyal’ sa Senado para sa isang briefing
ISINAILALAIM sa briefing si Senator-elect Robin Padilla sa legislative department ng senado upang malaman ang mga proseso sa paggawa ng batas at mga nangyayari sa senado. Matapos ang isinagawang briefing kay Padilla, agad siyang inikot sa session hall at sa iba’t ibang mga tanggapan sa senado. Bukod doon ay nag-enrol din sa Development Academy of the Philippines (DAP) si Padilla …
Read More »Utos ni Digong ‘di mababali
MANDATORY FACE MASK, BAWAL SUWAYIN
HINDI naging matibay na argumento ang katuwiran ni Cebu Gov. Gwen Garcia, na hindi naipatupad nang wasto ang health protocols noong campaign period sa katatapos na halalan at ang kanyang direktibang optional na lamang ang face mask ay kapaki-pakinabang sa mga Cebuano. Inilinaw ng Malacañang, magpapatuloy ang implementasyon ng mandatory face mask sa buong bansa. Ang paglilinaw ng Malacañang kahapon …
Read More »Talpakan pinagsisihan, i am sorry – Duterte
PINAGSISIHAN ni outgoing President Rodrigo Duterte na pinayagan niya ang operasyon ng online sabong o talpakan kahit may ulat na may mga nawawalang sabungero. “On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos mag-inspeksiyon sa main campus ng National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac. “It was at P600 million …
Read More »Dapat na nga bang hubarin ang masks?
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA ISANG pribadong chat, sinabi ng isa kong kaibigan, “Ang titigas talaga ng ulo ng mga Cebuano!” Bago pa ito magmukhang paninitang pangrehiyon, gusto kong linawin na ang pahayag na ito ay naibulalas ng isang lantay na Bisaya – isang edukador – na nakatuon sa ating pangkabuuang pagkakakilanlan bilang mga Filipino. Siyempre pa, ang …
Read More »COVID sa MM tumaas nang bahagya, gera vs virus dapat panatilihin
AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman nakaaalarma ang sinasabing kaunting pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero nararapat sigurong lahat ay maging vigilante o mapagbantay na ulit. Huwag nang hintayin pang ang kaunting bilang ay biglang lumobo dahil sa pagbabalewala sa maliit na bilang. Ang nararapat nga rito mga kabayan, kaunti man ang pagtaas ay dapat ituring …
Read More »Patok na TikTok broski Raco Ruiz kasali na sa NYMA family
ANG paboritong TikTok broski ng bayan na si Raco Ruiz ay nasa NYMA talent agency na. Ang NYMA o “Now, You Must Aspire” ay bahagi ng KROMA Entertainment. Pangarap ng NYMA na lalo pang pasikatin ang mga Filipino talent gaya ni Raco gamit ang iba’t ibang plataporma—TV, radyo, at print hanggang sa mga social media channels na kinababaliwan ng maraming Pinoy. Sumikat si Raco sa TikTok (@racobell) …
Read More »Tom muling nakipag-usap kay Rey bago lumipad ng US
HARD TALKni Pilar Mateo NAKAPAGKUWENTO na pala ang Tito Jojo Abellana ni Carla sa present state ng marriage nito at ni Tom Rodriguez. Sa tsika ni Jojo with Giselle Sanchez na lumabas sa pitak ng huli sa isang broadsheet, ang nasabi nga ni Jojo ay ang pagsasaayos na ng annulment ng mag-asawa. Naibalita naman na rin namin ang ilang pagkakataong dumadalaw si Tom sa bahay …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com