Wednesday , December 7 2022
Arrest Posas Handcuff

Karnaper nasakote sa Navotas

BAGSAK sa kulungan ang isang mister na wanted sa kasong carnapping sa Maynila matapos masakote ng pulisya sa joint manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging ang suspek na si Marvilo Paredes, 58 anyos, residente sa Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang suspek sa Brgy. Bay Boulevard North  kaya nagsagawa ng validation.

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SIS, Warrant Section, TMRU at SRU sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo Jr., ng joint manhunt operation alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 3:55 pm sa C-4 Road, Brgy. BBN habang nagmamaneho ng taxi.

Ani P/Lt. Rufo, si Paredes ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 23 Oktubre 2019 ni Judge Tita Bughao Alisuag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 01, Manila sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …