Sunday , December 14 2025

Paolo, gay artist na mairerespeto

MARAMI ang pumupuri ngayon kay Paolo Ballesteros, matapos na manalong best actor sa katatapos na Tokyo International Film Festival. Hindi iyan isang hotoy-hotoy na film festival, dahil isa iyan sa mga international festivals na rated A, at kinikilala ng FIAP, ang pandaigdig na samahan ng mga film maker. Kagaya nga ng nasabi na namin, dahil sa kanyang panalo, si Paolo …

Read More »

Vic Sotto, aminadong madaling magsawa

NATURAL comedian talaga si Bossing Vic Sotto. Noong October 29, Sabado, ay tumayong ninong si Bossing sa kasal ng pamangkin niyang si Chino, anak ng kapatid niyang si Maru na dating asawa ni Ali Sotto. Chino, elder brother of the late Miko, tied the knot with Charlene, anak ni Mayor Tony Calixto ng Pasay City, sa St. Therese. Ginanap naman …

Read More »

Paulo Angeles, nabigla sa mabilis na pagsikat ng Hashtags

NOONG October 27 ay birthday ni Paulo Angeles, isa sa member ng all-male group na Hashtags na regular mainstay sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2. Pero wala siyang naging party. Nag-dinner lang sila ng pamilya niya kasama ang ilang non-showbiz friends. “Sa UP Town Center po kami nag-dinner. Medyo late dinner na nga po ‘yun kasi nanggaling pa ako sa …

Read More »

Pananaw ni Jodi, nabago nang akayin siya ni Coney sa Victory

SA interview ni Jodi Sta. Maria sa Cebu Daily News ng Philippine Daily Inquirer, inamin niya na minsan ay nagawa na rin niyang gumamit ng droga matapos nilang maghiwalay ng mister niyang si Pampi Lacson. Pakiramdam daw kasi noon ni Jodi ay hindi na siya makababangon muli dahil isa na raw siyang “segunda mano.” “Before becoming a workaholic, I became …

Read More »

Sistemang ‘Pablo Escobar’ ‘di uubra kay Digong

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat hubaran ng kapangyarihan ang mga bilanggong drug lord upang hindi magkaroon ng ‘Pablo Escobar’ sa Filipinas na kahit nakakulong na’y nakapagpapatakbo pa ng drug trafficking syndicate. Sa kanyang press briefing sa NAIA Terminal 2 bago pumunta sa Malaysia kahapon, sinabi ng Pangulo, wala siyang alam na nagawang kasalanan nang ibulgar ang korupsiyon at …

Read More »

2-anyos hinalay ng 23-anyos kapitbahay

crime scene yellow tape

ARESTADO ang isang 23-anyos lalaki sa Balanga, Bataan nang maaktohang inaabuso ang 2-anyos paslit na kanyang kapitbahay sa loob ng banyo kamakalawa. Ayon sa ulat, dinala sa ospital ang biktima dahil sa pagdurugo ng maselang bahagi ng katawan. Mismong ang kapatid ng biktima ang nakakita sa lasing na suspek sa ginagawang kahalayan sa paslit sa loob ng kanilang banyo. Sinasabing …

Read More »

Baril, granada, patalim, nakompiska sa Bilibid

nbp bilibid

MULING nakakompiska ng tambak ng mga baril, patalim at ilang granada ang raiding team sa isinagawang Oplan Galugad kahapon sa New Bilibid Prisons. Pinangunahan ito ng PNP-Special Action Force (SAF) at Bureau of Corrections (BuCor), at sumentro ang kanilang operasyon sa Maximum Security Compound. Naniniwala ang BuCor officials na mga lumang armas pa ito na hindi nahagip ng kanilang mga …

Read More »

Tserman patay sa ambush

dead gun police

MASUSING iniimbestighahan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ang insidente nang pagpatay sa isang barangay chairman sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Barangay Chairman Alberto Carpio, 57, ng Brgy. 100, Zone 8, at residente ng 124 Del Pilar Street, Magsaysay Village, Tondo, Maynila, pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek dakong 4:40 pm sa Jacinto Street …

Read More »

Zero result sa PNP Oplan Galugad sa Valenzuela jail

prison

NAGNEGATIBO sa ano mang uri ng armas, ilegal na droga at iba pang kontrabando ang ikinasang sorpresang “Oplan Galugad” ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela at local na pulisya sa Valenzuela City Jail, kahapon ng umaga. Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Valenzuela City Police chief, Sr. Supt. Ronaldo Mendoza ang inspeksiyon sa lahat ng mga selda sa apat …

Read More »

Temperatura sa Baguio, patuloy na bababa

BAGUIO CITY – Nagsimula nang maramdaman ang ginaw sa Summer Capital of the Philippines nang maitala ang aabot sa 13.6 degrees Celsius na temperatura kahapon ng umaga. Ayon sa PAGASA-Baguio, patuloy pang bababa ang temperatura sa lungsod at sa lalawigan ng Benguet sa susunod na mga araw hanggang Pebrero sa susunod na taon. Sinabi ng weather bureau, inaasahang mas mababa …

Read More »

Lumahok sa SSS voluntary provident fund mga batang millenial

HALOS dalawa sa bawat tatlong miyembrong naglagay ng pera sa voluntary provident fund ng Social Security System (SSS) ay mga batang miyembro na 35 anyos pababa batay sa enrollment data ng SSS Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund sa pagtatapos ng Setyembre 2016. Ayon kay SSS Officer-in-Charge ng Voluntary Provident Fund Department Marichelle L. Reyes, sa kabuuang 3,649 sumali …

Read More »

19 pulis kakasuhan sa Espinosa killing

NAHAHARAP sa kaso ang 19 pulis na nagsilbi ng search warrants sa Leyte Sub-Provincial Jail na nagresulta sa pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang preso. “At this point, we believe that we will be levying for administrative complaints for operatives involved both from the Criminal Investigation and Detection Group Region 8 and Regional Maritime Unit,” pahayag …

Read More »

Marcos burial sa LNMB ‘di babawiin ni Duterte

WALANG balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang desisyon na pahintulutan na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos. “Well, as I have said, as a lawyer, I stick by what the law says. The law says that soldiers and ex-presidents, ‘yung namatay o maski hindi siguro ex, basta presidente ka, doon ka ilibing,” …

Read More »

LNMB dinagdagan ng ‘magnanakaw’ (Google namanipula ng maraming request)

MAINIT pa ring tinatalakay sa social networking sites ang isyung napipintong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito’y makaraan maglabas kamakalawa ng ruling ang Korte Suprema na pumapabor sa paghahatid sa dating presidente sa nabanggit na sementeryo. Ngunit kahapon ng umaga, marami ang nagulat nang lumabas sa Google Maps ang pangalan ng lugar bilang “Libingan …

Read More »

Media sinabon ng Pangulo (Sa pinalaking ‘tuhod joke’)

SINERMONAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang isang media man sa tila pagpinta sa kanya na bastos dahil sa biro niya tungkol sa tuhod ni Vice President Leni Robredo sa Tacloban City kamakalawa. Sa press briefing sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa Malaysia, inamin ng Pangulo na ginawa niyang biro ang makinis na tuhod ni Robredo para maibsan ang …

Read More »