Friday , December 19 2025

Kagawad sa Laguna todas sa tambang (Dahil sa STL?)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kaga­wad makaraan pagbaba­rilin ng hindi kilalang sus­pek sa Biñan City, Lagu­na, nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktima bilang si Joselito Marfori, newly elected barangay councilor sa Brgy. Casile, Biñan. Nabatid sa imbes­ti­gasyon, naghihintay si Marfori sa labas ng Small Town Lottery (STL) office sa Dr. A. Gonzales Street, Brgy. San Jose nang bigla …

Read More »

Tserman kritikal sa boga (Sa Pasay City)

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang barangay chairwoman ma­karaan barilin ng nag-iisang gunman sa Pasay City, nitong Sabado ng hapon. Nakaratay sa Manila Adventist Hospital ang biktimang si Teresita Biscocho, 59, chairwoman ng Brgy. 1, Zone 1, at residente sa 1739 Cuyeg­keng St., F.B. Harrison ng lungsod. Ayon sa ulat, binubu­sisi ng pulisya ang CCTV footage para sa pagkaka­kilanlan ng gunman …

Read More »

Trade, labor, energy kinalampag ni Digong (Kalasag kontra TRAIN)

KINALAMPAG ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang tatlong kagawaran upang umaksiyon para masalag ang masamang epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclus­ion (TRAIN) kay ‘Juan dela Cruz.’ Sinabi kahapon ni Trade Secretary Ramon Lopez, pinaigting ng DTI ang pag-monitor sa mga nagsasamantalang negosyante at hindi sumusunod sa itinak­dang suggested retail price (SRP). Inatasan ng Pangulo ang DTI na i-monitor, arestohin at …

Read More »

EO vs endo binalewala ng 3K firms — DOLE

MAHIGIT 3,000 mula sa 54,000 kompanya sa buong bansa ang hindi sumunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Du­terte na pagbabawal sa kontraktuwalisasyon, ayon sa labor department nitong Linggo. Sinabi ni Department of Labor and Employ­ment Secretary Silvestre Bello III, uma­abot sa 3,337 companies na kabilang sa inins­peksiyon ay natuklasang hindi sumunod sa utos ng Pangulo, at dahil dito, sinabing ang …

Read More »

Abogado ni Bongbong supalpal sa SC

KINASTIGO ng Presi­dential Electoral Tribu­nal (PET) ang isang abogado ng talunang kandidato na si Ferdi­nand Marcos Jr. dahil sa kwestyonableng galaw sa ginagawang manual recount ng boto para sa bise presidente. Pinagsabihan ng PET si Atty. Joan Padilla, isa sa counsels of record at ang party supervisor ni Marcos sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo, dahil …

Read More »

Off-site employment aprub sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang pagpapa­hin­tulot sa mga empleya­do sa pribadong sektor na magtrabaho sa labas ng opisina sa pamamagitan ng “telecommuting.” Ipinaliwanag sa House Bill 7402, o Tele­com­muting Act, ang “telecommuting” ay “a flexible work arrangement that allows an employee in the private sector to work from an alternative workplace with the use of telecommunication and/or computer …

Read More »

‘Engineer’ timbog sa talbog na tseke

arrest prison

ARESTADO sa mga aw­toridad ang isang nagpa­kilalang engineer dahil sa sinabing pag-iisyu ng tumalbog na tseke sa kasama niya sa negosyo, kamakalawa. Ayon sa ulat ng pu­lisya, kalaboso si David Asuncion nang ireklamo ng kasosyo niya sa negosyo dahil sa pagbibi­gay ng anim na ‘talbog na tseke.’ Sinabi ng biktimang si alyas Venny, inalok siya ni Asuncion na mamu­hunan sa …

Read More »

3 Pasay prosecutors sinuspende ng DoJ (Suspected smugglers pinalaya)

INIUTOS ng Department of Justice nitong Linggo ang 60-day preventive suspension laban sa tatlong prosecutor ng Pasay City na nagpahintulot sa pagpa­pa­laya sa mga suspek na sangkot sa smuggling incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong 5 Mayo. Iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang sus­pensiyon kina City Prosecutor Benjamin Lanto, Assistant State Prosecutor-Inquest Prosecutor Florencio Dela …

Read More »

32 OFWs mula Qatar balik-PH

DUMATING sa bansa ang 32 over­seas Filipino workers (OFWs) mula sa nagsarang construction company sa Doha, Qatar, nitong Sabado. Dumating ang grupo sa NAIA Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight 928 at sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Salaysay ng mga OFW, apat buwan silang hindi pinasahod ng kompanya at nawalan ng pagkain sa tinitirahan …

Read More »

8 bahay natupok sa Taguig

UMABOT sa walong bahay ang natupok sa sunog sa Brgy. Ibayo Tipas sa Taguig City, 11:00 pm nitong Sabado. Ayon sa ulat, bunsod ng laki ng sunog, pati mga bombero sa mga kalapit na lungsod ay kinailangan tumulong sa pag-apula ng apoy. Dakong 2:00 ng madaling-araw nang tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog. Ayon sa mga residente, nakarinig sila …

Read More »

FGO Krystall Herbal products maaasahan ng buong pamilya

Krystall herbal products

Dear Sir Fely Guy Ong, Magandang araw po. Muli po, ako ay nagpapatotoo sa products ng Krystal Herbal Oil,  Powder, at Yellow Tablet. Ang akin pong anak ay nagpa-rebond ng buhok sa isang parlor. Maganda po at straight na straight. Pero pagdating po ng gabi hanggang madaling araw, sabi po niya masakit na masakit ang ulo niya. Nang tingnan ko …

Read More »

“Ang kapal ng mukha mo, Joma!”

Sipat Mat Vicencio

WALA na talagang natitirang kahihiyan itong si Jose Maria Sison matapos na maging instant millionaire nang tanggapin ang P1.2 milyon mula sa pamahalaan ng Filipinas bilang human rights victim noong panahon ng batas militar sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Fer­dinand Marcos. Walang ipinagkaiba ang asawa ni Joma na si Juliet na buong tapang din ng apog na tinanggap …

Read More »

“Visa outsourcing raket” aprub ba kay Cayetano?

NAKALATAG raw sa mesa at naghihintay na lamang ng pirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano para maaprobahan ang isang malaking ‘raket’ na maisapribrado ang pagkakaloob ng visa para sa mga dayuhang Intsik na makapasok sa bansa. Ang panukala ay nakapaloob umano sa “Proposal to Outsource Visa Processing for Chinese Tourists” na isinumite sa tanggapan ni …

Read More »

Utos ng DOLE sa wage board: Epekto ng TRAIN sa obrero busisiin

INIUTOS ng Department of Labor and Employment sa regional and tripartite wage boards ang pagtalakay at pagbusisi sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mga obrero. Inianunsiyo ito ni DOLE Secretary Silvestre Bello III dahil sa mga petisyon para sa dagdag-sahod sa gitna ng implementasyon ng tax reform law. “With or without petition, I gave …

Read More »

Illegal pipes sa Boracay nabuyangyang (Sa loob ng 30 araw)

EKSAKTONG 30 araw nitong Sabado nang isara ang Boracay para sa rehabilitasyon ng isa sa pinakasikat na isla ng Filipinas sa buong mundo. Pero ayon mismo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, hindi kakayanin na buksan ang Boracay sa publiko sa loob ng anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon. Malamang daw na humigit pa rito. …

Read More »