Friday , May 3 2024

Ed de Leon

Jodi fresh at magaling na aktres (pagkapili ‘wag kuwestiyonin)

“SI Jodi na naman,”  ganyan ang reaksiyon ng isang grupo ng fans nang opisyal na sabihin ng network na si Jodi Sta. Maria nga ang bida sa isang adaptation ng isang malaking Korea serye. Pero may nagtatawanan dahil sabi nila ang mga nag-post niyon ay identified sa isang female star na nagsabing gusto niyang gampanan ang role na ibinigay kay Jodi. Siguro kung ang kanyang kasikatan …

Read More »

Movie writers may sariling ayuda sa mga kapwa manunulat

NATUWA kami roon sa ginawang showbiz community pantry at doon sa proyekto rin naman ng SPEEd, iyong Project Kalingap na nagbigay ng ayuda sa mga movie writer. Sa totoo lang, maraming mga movie writer ang hirap na hirap na sa buhay. Wala na silang sideline. Wala na silang PR work kasi wala na nga halos nagpo-produce, at kung mayroon man puro mga small time lamang. Isang katotohanan din na may …

Read More »

Pagkakasara sa ABS-CBN, isang taon na

abs cbn

NADAMA namin ang lungkot doon sa ginawa nilang pag-alala na isang taon nang nakasara ang ABS-CBN, ang dating pinakamalaking network sa Pilipinas. Hindi lang iyong maraming nawalan ng trabaho, kundi dahil marami ang walang maasahang malalapitan sa panahon ng kagipitan. Nawala rin ang isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao, at kahit na nga ang lahat halos ng kanilang mga show ay palabas din sa Zoe TV, …

Read More »

Aktor kung ano-anong gimmick ang ginagawa mapansin lang

blind mystery man

FRUSTRATED ang isang male star, kasi lahat na ng gimmick para siya mapansin ay ginagawa na niya, pero mukhang hindi pa rin siya mapansin. Gumagawa na nga siya ng sarili niyang video endorsement ng isang produkto with the hope na isasama na siya sa main endorsers niyon pero hindi pa rin. Lumabas na rin siya sa isang internet series pero mukhang napapalitan na siya ng iba …

Read More »

Robin ‘hinataw’ ng mga Lasalista

KATAKOT-TAKOT na hataw na naman ang inabot ni Robin Padilla mula sa mga netizen, nang isama niya ang DeLa Salle sa mga sinasabi niyang eskuwelahang itinayo ng mga Kastila. Hinataw siya nang husto lalo na ng mga nag-aral sa La Salle sabay kantiyaw na mag-aral muna siya ng history, kasi ang La Salle ay itinayo noong June 16,1911, ibig sabihin panahon na ng mga Kano. Wala …

Read More »

Goma tumino kay Lucy

SINA­SABI ni Mayor Richard Gomez, naging faithful naman siya sa kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez at hindi na siya tumingin kanino mang babae simula nang ligawan niya iyon. Totoo iyan. Kami kabisado namin ang kapilyuhan ni Mayor Goma noong araw, at talagang nangyayaring may tinitingnan pa iyang iba kahit na may girlfriend na. Hindi mo rin naman siya masisisi dahil marami namang babae ang nagpapapansin …

Read More »

8 Katao timbog sa tupada 2 sugatang manok, tari kompiskado

ARESTADO ang walo katao habang nakompiska ang dalawang manok na panabong na kapwa may tari sa sinalakay na tupada sa gitna ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod ng Mandaluyong, nitong Sabado, 1 Mayo. Kinilala ang mga nadakip na sina Joshua Flores, 21 anyos; Jefferson Patingo, 31 anyos; Michael Sevilla, 36 anyos; Daniel Joseph Flores; Maximo Narag; …

Read More »

Ray Reyes ng Menudo pumanaw na

PINAG-UUSAPAN pa rin ang kamatayan ng dating member ng Menudo na si Ray Reyes. Last year, namatay din ang isa pang dating member ng boy band na iyan, si Anthony Galindo, pero hindi masyadong napag-usapan dahil wala na siya sa boy band nang ito ay magpunta sa Pilipinas noong 1985. Noong unang dalhin ng Viva ang Menudo sa Pilipinas, kasama si Reyes. Pero nang muling magbalik ang grupo na …

Read More »

Nora ‘di naitaas ang rating ng drama anthology

BIDA si Nora Aunor sa isang drama anthology noong isang gabi. Kasama niya si Ricky Davao. Kinabukasan nakikinig kami kung pag-uusapan iyon ng mga tao, wala kaming narinig. Nang ipasilip naming ang overnight ratings, hindi rin tumaas ang ratings ng anthology. Parang karaniwan lang. Siguro kahit na si Odete Khan ang gawin mong bida roon ganoon pa rin ang ratings. Kailangan maging mapili na si Nora sa mga proyektong ginagawa niya. …

Read More »

‘Pagsabit-sabit’ ni Aktor ‘di madaling kalimutan

blind mystery man

KUNG minsan napakahirap takasan ang nakaraan. Noong isang gabi, napagkuwentuhan namin ang isang male star na sumikat din naman, pero hindi na aktibo ngayon. Ang kuwento ng isang dating movie writer na senior citizen na rin ngayon, na madalas daw niyang “bisita” ang male star noong hindi pa iyon artista at kapitbahay pa nila sa Caloocan. “Posibleng totoo iyan,” sabi ng isa pang bading. “Kasi noon nakilala ko iyan at na-get …

Read More »

Baguhang tumitilamsik ang daliri at male starlet nagse-share ng experiences sa mga nahahagip na boylet

NAPANSIN ni Tita Maricris ang isang  baguhang tumitilamsik ang daliri. Matagal na naming alam iyan Tita Maricris. Ang istambayan daw niyan ay sa Angeles City, kasama ang isa ring male starlet na beki na mula naman sa ibang network. Magkaibigan daw ang dalawang beki na nagse-share sa isa’t isa ng kanilang experiences at maging ng kanilang mga nahahagip na boylets. Matindi talaga ang mga beki ano. (Ed …

Read More »

Angel sinisi rin sa mga nagpositibo sa mga pumilang netizen sa kanyang community pantry

NAKAKATAWA talaga ang mga troll, ngayon sinisisi naman nila si Angel Locsin dahil ang kanyang naging konrobersiyal na community pantry ay pinagmulan daw ng Covid infection. Ang basehan ay may nakita raw doon na isang lalaki na may contact sa isang Covid patient na nakipila sa pantry ni Angel. Aba eh, napakagaling naman pala ng contact tracing system ng mga troll, isipin ninyo iyong dami ng taong iyon, …

Read More »

Juday at Ryan, walang gulo at away sa 12 taong pagsasama

ISIPIN mo, 12 years na palang mag-asawa sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nakagugulat dahil ilang panahon na lang ay teenager na rin pala ang anak nilang si Lucho. Ang bilis talaga ng panahon kasi nang una naming nakita iyang si Juday, neneng-nene pa roon sa That’s Entertainment. Pero natatandaan namin noong panahong iyon, mayroong nanay ng isa pang female star na nagsabing naniniwala siya na pagdatig ng araw ay …

Read More »

Erap nakauwi na ng bahay

KAMAKALAWA matapos ang isang buwan din pala sa ospital, nakauwi na rin sa kanyang tahanan si dating presidente Erap Estrada. Matagal din ang kanyang pakikipagbuno sa Covid19. Dalawang beses din naman siyang ibinalik sa ICU nang lumala ang kanyang pneumonia. Kung titingnan ninyo, mas may edad na ‘di hamak si dating Presidente Erap kasa kay Victor Wood at lalo na kay Claire dela Fuente. Pero iyong dalawa ay hindi nakatagal …

Read More »

Angel paulit-ulkit na sinasabihang kakasuhan

IYONG paulit-ulit na sinasabing sasampahan ng kaso si Angel Locsin, at pati NBI ay nagsabi na gagawa sila ng imbestigasyon sa nangyari ay natatanong nga namin, totoo bang may nakikita silang krimen sa pangyayaring may isang senior citizen na pumila sa community pantry, mainit ang araw, hinimatay at namatay nang tuluyan? Noon bang himatayin iyong matanda, pinabayaan ba at iniwan sa ganoong kalagayan kaya namatay? …

Read More »

Perang hiningi ni actor kay gay politician para sa community pantry ibinili ng alak at aso para katayin

IBA rin ang drama ng male sexy star. Nakipagkita siya sa isang gay politician at humingi ng pera dahil maglalagay din daw siya ng community pantry sa kanila. Nagbigay naman ng dagdag na pera ang gay politician para nga sa pantry bukod sa ibinigay sa kanya para sa kanilang date. Iyon pala ibang pantry ang itatayo, bumili ng aso kinatay, bumili ng alak at …

Read More »

Pagtulong ni Angel tila malaking krimen; Pagbanat politically motivated (Tulong ng artista ibigay na lang sa kaibigan o fans)

NANG tanungin si Angel Locsin kung magbubukas pa siya ulit ng community pantry, ang maikli niyang sagot ay, ”hindi na po. Hindi na.” Iyon nga raw hindi na naipamigay na goods, dadalhin na lang nila sa ibang community pantry para ipamigay. Hindi naman kasi akalain ni Angel na may mangyayaring hindi maganda sa kanyang binuksang community pantry. Pero kung pakikinggan mo ang iba akala mo …

Read More »

Ellen ok sa live-in pero kinilig nang alukin ng kasal

SA isang interview kay Ellen Adarna, maliwanag na sinabi niyang kung siya lamang ang tatanungin, ok sa kanya ang live-in arrangement. Hindi naman siguro masasabing hindi talaga siya interesado sa marriage, dahil halata namang kinilig siya nang mag-propose ng kasal sa kanya si Derek Ramsay, pero siguro nga gusto niya ang buhay na mas malaya, iyong wala munang commitment. May mga taong naniniwala sa ganyan at hindi …

Read More »

Joshua sinuwerte nang humiwalay kay Julia

joshlia julia barretto joshua garcia

MASASABI niyang malaking suwerte at ayos ang career ni Joshua Garcia ngayong wala na siyang ka-love team. Kung may ka-love team ba siya magagawa niya iyong serye nila ngayon ni Nancy McDonie? Kung natatandaan ninyo pinaplano pa lang iyan para kay James Reid, nag-react na ang JaDine na sinasabing ibo-boycott nila iyon. Tapos bina-bash na nila si James. Hindi nila inisip na mahigit isang taon nang walang project na ginagawa …

Read More »

Actor nagpaubaya kay Direk kapalit ang next project

HINDI pala simpleng paalam lang ang nangyari sa isang male star at kay Direk nang mag-last day ang kanilang ginawang proyekto. Nag-volunteer daw naman kasi ang male star, dahil alam niyang may interest din sa kanya si direk. Pinuntahan daw ng male star sa room si direk, inilabas ang kanyang jewels pero hindi nakuntento si direk na tingnan at hawakan lamang iyon. Mas matindi …

Read More »

Ellen matulad kaya kina Angelica at Andrea?

INAAMIN na ni Derek Ramsay na sa bahay na niya nakatira ang syota niyang si Ellen Adarna, kasama na rin ang anak niyon kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Hindi mo naman mapipigil iyon dahil inamin na rin naman nila na may balak na silang pakasal ni Ellen, iyon ay kung hindi magbabago ang ihip ng hangin. Ganyan din naman ang kaso ni Angelica Panganiban noon na ka-live in ni Derek …

Read More »

Pagbi-brief ni Gerald palasak sa gay website

GINAMIT nilang come on para sa isa nilang teleserye ang pagsusuot ng briefs ni Gerald Anderson. Pero mukhang hindi nila iyon na-control at ang kasunod ay naglabasan pa ang mga picture ng eksenang iyon na naka-brief nga ang actor pero obviously hindi maganda ang porma ng kanyang katawan. Inilabas pa sa isang gay website ang nasabing mga picture ni Gerald, at ang masama kasabay niyon …

Read More »

Sunshine Covid free na

MASAYANG-MASAYA si Sunshine Cruz dahil ngayong siya ay Covid free na, nakaka-bonding na rin niya ang kanyang tatlong anak, na sa totoo lang, tatlong linggo niyang na-miss at hindi nakita kahit na nasa isang bahay lamang sila dahil naka-quarantine nga siya. Nakakausap lang niya ang mga anak niya sa telepono. Matindi rin ang pasasalamat ni Sunshine sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay dahil sa pagdadala niyon …

Read More »

JM nag-panic attack habang nagpo-promo

NAKATATAKOT iyong nangyari kay JM de Guzman, sa kalagitnaan ng kanilang promo, inatake siya ng panic attack. Iyan iyong feeling na bigla na lang nagkakaroon ng takot ang isang tao kahit na walang dahilan. Nangyayari iyan kahit na ang isang tao ay natutulog. Kung minsan iyan ang tinatawag ng mga matatanda noong araw na bangungot. Pero iyang panic attack, kahit na gising ka maaaring umatake ano mang …

Read More »