Thursday , June 1 2023
Sunshine Cruz

Paro-Paro G ni Sunshine naka-1-M agad

HATAWAN
ni Ed de Leon

GULAT na gulat din si Sunshine Cruz, “nagsayaw lang ako ng paro-paro G kasama sina Rhona, one million na agad.”  Ang tinutukoy niya ay isang dance video na inilagay niya sa isa niyang social media account.

Kami man nakita namin ang video na iyon na nagsasayaw nga si Sunshine, kasama ang dalawang iba pa ng paro-paro G.

Kami man, tatlong beses naming pinanood iyon eh kasi cute ang dating.

Eh ang mga tao, naghahanap na ng wholesome entertainment na kaaaliwan nila. Nakakasawa na iyong mga seryeng Koreano na wala kang makita kundi mga singkit, na ang layo pa ng buka ng bibig sa naririnig mong sinasabi. Iyong mga serye namang local, nagsuntukan, nagbarilan, nagyakapan at ilang taon na rin iyan. Manood ka naman ng mga streaming sa internet, magagastusan ka na, maiinis ka sa mabagal na internet na nagha-hang, at wala ka pang mapanood kundi kahalayan.

Kaya basta may nakasisingit na medyo cute at wholesome gaya niyang dance video ni Sunshine, pinanonood talaga iyon ng mga tao.

About Ed de Leon

Check Also

Teejay Marquez

Teejay kakasuhan nurse na haling na haling sa kanya 

HATAWANni Ed de Leon INIS na si Teejay Marquez noong isang umaga nang ipadala sa amin ang …

Joshua Garcia

Joshua di naligo, nagbabad sa computer nang ma-heartbroken

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KUNG may isang honest na artistang kilala namin, isa si Joshua …

Moira dela Torre Atty Joji Alonso

Abogado ni Moira dela Torre nagbanta ng demanda

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA mauuwi sa korte ang nangyaring pagpapahayag ni Lolito Go, lyricist at …

Michelle Dee Max Collins rhian ramos

Michelle Dee umamin sa pagiging bisexual; Rhian at Max suportado ang kaibigan

RATED Rni Rommel Gonzales BINASAG na ni Michelle Dee ang kanyang katahimikan. Tinuldukan na niya ang noon …

Mama Mary Padre Pio

Ate Vi deboto ni Mama Mary at ng mga santo

HATAWANni Ed de Leon ANO pa nga ba ang hahanapin mo kung every now and …