Sunday , July 21 2024
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga

Diego iginiit handang makipagsabayan sa mga hubadero

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG dumating si Diego Loyzaga sa Pilipinas, dahil lumaki nga siya sa Australia dahil doon nagtatrabaho ang kanyang ina, marami na ang nagsabing naniniwala silang siya ay magiging isang mahusay na actor. Kasi naman kilalang mahuhusay na artista ang kanyang mga magulang. Nang masabak nga siya sa isang serye sa telebisyon, talagang nakita namang mahusay siyang umarte, iyon nga lang nagkaroon siya ng kaunting problemang personal.

Natigil sandali ang kanyang career at ngayon nga mukhang makakabalik na siya in full swing. May pelikula nga siyang natapos na ngayon, iyong The Wife na ipalalabas simula sa Biyernes, February 11, sa Vivamax. Adult movie ang ginawang iyan ni Diego, hindi dahil sa talamak na hubaran kagaya ng ibang adult movies, kundi dahil sa kuwento na ang tema ay “kaliwaan.” 

Pero bago pa man humarap sa media si Diego, may mga usapang sinabi raw niyang nakahanda siyang lumaban sa mga hubaran, gaya ng ginagawa ng iba. Sayang naman kung ganoon. Iyang mga artistang naghuhubad, mapag-uusapan dahil malakas ang loob nila, pero sino ba sa mga naghubong iyan ang tumagal ang career? Kahit na dumating pa ang araw na natuto silang umarte, wala na iyan. Ipinakita na niyang lahat eh. Hindi naman niya mabubura ang image niya bilang bold star, at hindi niya makukuha ang respeto niyong mga konserbatibo.

Pinalaki naman iyang si Diego sa isang mabuting pamilya, at sana nga pag-isipan niyang mabuti kung lalaban nga ba siya ng hubaran sa ibang baguhan.

Natural darating ang araw na mag-aambisyon din silang gumawa ng pelikulang ipalalabas naman sa sine at hindi sa internet lang, at hindi naman sila makakapag-hubad nang ganyan sa mga pelikulang ilalabas sa sine, dahil dadaan na iyon sa classification.

Iyang mga naghubo’t hubad na iyan, hanggang internet na lang iyan na ilalabas iyang mga soft pornography na ginagawa nila.

Walang gobyernong papayag na ihalo iyan sa legal na sine. Baka sakali pa pagdating ng araw, kagaya sa US, magbukas na rin ng porno theaters dito. Pero hindi mabubuhay iyan. Ang mga Pinoy manood man ng bomba, patago pa rin kung pumasok sa sine. Ang hayagan lang naman sa porno iyong mga bading.

About Ed de Leon

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …