Friday , May 27 2022
Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Carla ‘di na suot ang wedding ring nila ni Tom

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG talas talaga ng mga mata ng netizen. Isipin ninyo, sa dinami-dami ng mapapansin nila sa isang social media post ni Carla Abellana, ang napansin pa ay wala siyang suot na wedding ring? May tao ba naman, kahit na anong sarap pa ng kanilang pagmamahalan na hindi naghuhubad ng wedding ring kahit na minsan?

Abnormal naman iyon kung hindi man lang niya inaalis ang wedding ring niya. At dahil sa wala silang nakitang suot na wedding ring si Carla, lalong tumindi ang kanilang pinakakalat na Espekulasyon. May mga tao kasing hindi makapaghintay kung ano ang sasabihin ng mga may kinalaman mismo. Kung dumating ang isang araw at sabihin nilang mali ang tsismis ninyo, ‘di napahiya pa kayo.

Kami kasi, hindi kami naniniwala sa tsismis na hiwalay na ang mag-asawang iyan. Maaaring may tampuhan. Sino ba namang mag-asawa ang hindi dumaan diyan, pero hindi mo masasabing hiwalay na sila nang tuluyan.

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …