Wednesday , July 17 2024
Daniel Padilla Karla Estrada

Karla nakaligtas sa lait, natakot kay Daniel

HATAWAN
ni Ed de Leon

HABANG halos maghapong nilalait si Toni Gonzaga sa cable channels at sa social media, dahil sa kanyang pinanindigang political leanings, wala isa mang lumait kay Karla Estrada na naroroon din sa kaparehong rally. Sabi nila, si Karla naman daw ay guest lang at lumitaw doon dahil sa kanyang party list, hindi gaya ni Toni na host

pa .

May nagsasabing baka naman ginawa iyon ni Toni dahil iyon ang kanyang career. Trabaho lang iyon para sa kanya. At si Karla, hindi nila kayang laitin dahil paano kung umalma si Daniel Padilla kung lalaitin ng sarili niyang network ang nanay niya. Aalma rin tiyak si Kathryn Bernardo, na siya pa naman nilang pinakamalaking box office star sa ngayon. Hindi sila magkakamaling isugal iyan.

Mabilis din si Karla, nag-post siya agad na kahit na magkakaiba sila ng political beliefs sa kanilang pamilya, lahat sila ay malayang pumili kung sino ang gusto nila. Nagkataon nga lang na ang party list ni Karla, at ang partido ng tatay ni Daniel na si Rommel Padilla ay mukhang nasa isang kampo. Hindi man kasali sa senatorial slate ng partido, tumakbo rin ang tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla sa ilalim ng PDP Laban, na mas makiling din sa grupong hindi sinusuportahan ng kanyang network kaya siguro quiet lang si Daniel.

Pero kung kukulitin nila iyan, naku baka tumalon iyan sa baggong network, lalong sakit sa ulo nila iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene …

Jess Martinez Wilma Doesnt Noreen Divina

Jess Martinez mukha ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales GUMAGANAP bilang si Diwata sa Abot Kamay na Pangarap ang magandang female star …

Itan Rosales

Itan Rosales pang-matinee idol ang dating

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GWAPO, malakas ang dating at pwedeng-pwedeng maging matinee idol. Siya …

Willie Revillame Coco Martin Julia Montes 

Willie ibinuking relasyong Coco at Julia 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALATANG walang malisyang nabitawan ni Willie Revillame ang ukol sa sinasabi ng …