Tuesday , March 21 2023
Monica Herrera

Monica maganda pa rin kahit may mga apo na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang gabi ay nagulat pa kami nang may makita kaming friend request ni Monica Herrera. Isa iyan sa pinaka-magandang aktres noong 90’s. Nagtagal ang aming chat pagkatapos, at naikuwento niya sa amin na  na-stroke pala siya at ngayon ay partially paralyzed. Bed ridden na siya.

Gayunman, hindi siya nawawalan ng pag-asa. Patuloy siyang nagpapagamot, at tumatawag sa Diyos at buo ang pag-asa na isang araw ay magiging normal na muli ang kanyang buhay.

Nakita namin ang pictures ni Monica ngayon, maganda pa rin naman siya. At nagbibiro ngang sinabi niyang siguro maganda pa rin siya dahil happy siya sa kanyang buhay kapiling ng kanyang mga apo.

Nagulat kami, may mga apo na pala si Monica. Tiyak maaga ring nagsipag-asawa ang kanyang mga anak. Eh bata pa naman iyang si Monica eh.

Nagtagal nga ang aming kuwentuhan, at hanga kami sa kanyang pag-asa at pananampalataya sa Diyos.

About Ed de Leon

Check Also

Yassi Pressman Nadine Lustre James Reid Issa Pressman

Nadine may buwelta kina Issa at Yassi

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAGULO na naman ang netizens nang dahil sa isyung sangkot sina James Reid, Issa …

Blind Item gay sex

Male starlet nakatikiman ng kung ilang beses si matinee idol

ni Ed de Leon IGINIGIIT ng isang male starlet na noong araw daw ay nakilala na niya …

Benz Sangalang

Benz Sangalang, thankful sa magagandang project at pag-aalaga ng Viva

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG level na ang paghataw ng career ni Benz Sangalang. …

Liza Soberano Ogie Diaz

Ogie kay Liza — wala akong matandaang kinontra kita

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog tungkol sa …

Sofia Pablo

Sofia tanggap na ng netizens pagkakaroon ng ka-loveteam

I-FLEXni Jun Nardo ALAM ng Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na hindi forever ang kanilang loveteam. Pero …