Wednesday , July 17 2024
Pat Cardozo

Newbie singer na si Pat tiyak na sisikat

HATAWAN
ni Ed de Leon

DOON sa kanyang mediacon, bago nagsimula ay pinatugtog muna ang kantang ginawa ni Pat Cardozo sa Viva MusicIyong Kailan Ka Babalik. Iyong boses niya talaga pang-ballad at panlaban. Kung iisipin mo na lahat halos ng mga babaeng singers natin ay malapit nang maging senior citizens, aba eh napakalaki ng chances niya bilang singer. Ang mas malaking advantage, song writer din siya.

Noong makita namin siya, lalo kaming nag-isip, singer nga ba siya o artista. Napakaganda kasi ni Pat at nakahihinayang kung pababayaan lang siyang kumanta, samantalang mas maganda siyang ‘di hamak sa mga plain faced na ginagawang artista. Iyon nga lang, galing kasi si Pat sa isang mabuting pamilya at isang dating flight attendant ng PAL,  kaya hindi mo iyan maaasahang pumasok sa kung anong klaseng pelikula lang, lalo na kung mahalay.

Pero iyong ganda niyang iyon, lalo na nga’t pinapayagan na ngayon ang mga concert, tiyak na sisikat iyang si Pat. Magaling kumanta, mahusay sumulat ng mga kanta, at maganda pa.

Maganda rin naman daw ang sales ng kanyang unang single, kaya nga minamadali na siya ngayong gumawa ng isa pa. Napagawa na rin siya ng theme song ng pelikula at isa pang ginamit sa isang Tagalized Korean series.

About Ed de Leon

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …