Monday , May 27 2024

Ed de Leon

Direk Adolf at Direk Jay, nagbanggaan: Ipokrito ka!

BAGO mag-Pasko, ewan naman namin kung bakit nagkatamaan naman ang dalawang director. Nagsimula lang iyon nang kondenahin ni direk Adolf Alix ang ginawa ng isang pulis na pagpatay sa walang kalaban-labang mag-ina sa Tarlac. Walang armas na kahit na ano ang mag-ina, na binaril agad sa ulo ng pulis. Nang kondenahin nga iyon ni direk Adolf ay sinabihan iyong “ipokrito” ni direk Jay …

Read More »

Coco, kinuwestiyon: Bakit may feeding bottle?

NAPAKATALAS talaga ng mata ng mga nitizen at mabilis din ang takbo ng isip. Ilang ulit na naming nakita ang isang post ni Coco Martin mismo sa social media, pero ang nakatawag sa aming pansin ay iyong kinatay na baboy yata iyon na mukhang inihahanda niya para mailuto. Iyon naman talaga ang focus. Ang napansin ng isang netizen ay iyong ibabaw ng …

Read More »

‘Putotoy’ ni Paulo, naka-Ninos Inocentes

KUNG inaakala ninyong naka-score na kayo at nabosohan si Paulo Avelino, at kung naniwala kayo sa pakulo na mayroon siyang frontal nudity para panoorin ang kanyang pelikula, na-Ninos Inocentes kayo  ng maaga. Noon mismong araw ng Pasko, kumalat sa social media ang isang video ng sinasabing eksena ni Paulo na jumi-jingle sa tabi pa ng poste ng DPWH, at walang kaabog-abog na …

Read More »

Dasal ni Father Suarez sa pelikula, nakagagaling?  

ANO nga kaya ang magiging reaksiyon ninyo kung biglang may lumitaw na may isang taong may sakit na gumaling matapos na mapanood ang pelikulang Suarez,The Healing Priest? Napanood namin ang pelikula, at iyong ending nila, isang panalangin ni Fr. Suarez, na ginawa isang araw bago siya bawian ng buhay, na may panalangin para sa lahat ng may sakit. Sinabi lang niyang …

Read More »

Sigaw ng netizens na bitay sa pulis na namaril, inalmahan ni Ate Vi  

HINDI lang pala ngayon nasangkot sa isang kaso ang pulis na pumaslang sa mag-ina sa Tarlac. May kaso na pala iyang homicide rati, pero nakaligtas lang dahil “kulang sa ebidensiya.”   Ngayon wala nga siguro masasabing kakulangan ng ebidensiya dahil may video pa ang buong kaganapan ng krimen. Isa iyong marahas, hindi makataong pagpatay sa walang kalaban-laban. Iyang krimen na …

Read More »

Aktor, ‘nanghihingi’ ng pambayad sa condo at credit card

blind item

MAY isang male star na nagtatawag sa kanyang mga “prospective clients” dahil kailangan daw niya ng pambayad sa kanyang condo at sa mga credit card niyang panay singil na sa kanya. Iyong isa namang male star, kuntento sa kanyang buhay at kahit na sabihin mong hindi naman ganoon kalaki ang kita, naipatapos na niya ang isang napakalaki at magandang bahay, na ang …

Read More »

Sunshine, happy na basta magkakasama silang mag-iina

NOONG huli naming naka-chat si Sunshine Cruz, masayang-masaya siya. Hindi niya sinasabing problem free ang kanyang Christmas, lahat naman ng mga tao ngayon naninibago dahil diyan sa pandemic na iyan na mukhang magtatagal pa dahil sa kapalpakan. Pero ang sinasabi nga ni Sunshine, basta magkakasama silang mag-iina, at basta wala kahit na sino sa kanila na nagkakasakit, pasalamat na siya. Iyon …

Read More »

Male sexy indie actor, nanghingi ng P1K kay gay talent manager

blind mystery man

“BIRTHDAY ko naman ngayon eh, padalhan mo naman ako kahit na 1K lang,” ang sabi sa text ng isang male sexy indie star sa isang kilalang gay talent manager. Hindi naman ikinaila ng gay talent manager na naka-date niya ang dating indie star noong araw, pero mukhang hindi na nga niya pinapansin. “Bakit noon bang kasikatan niya sasama siya kahit na one ow ow …

Read More »

Anak ni Mang Dolphy na si Edgar, pumanaw na

NAMATAY na ang dating actor, na anak ng comedy king na si Dolphy, si Edgar Quizon sa edad 63 noong Martes ng hapon. Kahapon naman Miyerkoles ay ipina-cremate na ang kanyang labi. Pneumonia ang kanyang ikinamatay, at kinompirma iyon ni Eric Quizon. Si Edgar ay anak ni Mang Dolphy sa kanyang unang asawang si Gracita Dominguez na isang artista rin noong araw. Ang mga tunay na kapatid …

Read More »

Aga, imposibleng makapagretiro (In-demand pa rin kasi hanggang ngayon)

WALANG naniniwala na matutuloy ang sinasabing retirement ni Aga Muhlach sa susunod na taon. Ang sabi naman kasi niya ay kung hindi niya mababago ang kanyang sarili, kung hindi magiging fit ang kanyang pangangatawan, dahil naniniwala rin naman siyang ang isang artistang gaya niya ay dapat laging fit, laging maayos para hangaan ng kanilang  fans. Napuna rin naman ni Aga na bumibigat …

Read More »

Aktor, pinagsawaan na ng mga bading sa Maynila

PANSIN ng isang talent manager sa isa naming blind item, “noon pa ginagawa niyang si male star na magpa-book. At taga rin kung humingi iyan ng pera, kasi ipinagyayabang niya na hindi lang siya pogi kundi may ipagmamalaki pang talaga. Personally alam ko iyon,” sabi ng talent manager na bading. “Pero tama rin, ngayon ay matanda na siya. Dalawa na ang anak niya, At …

Read More »

Richard Gomez, nega!

richard gomez ormoc

NEGA si Goma, sabi nila. Tama naman si Mayor Richard Gomez, dahil talagang humaharap siya sa napakaraming tao sa araw-araw. Nagpupunta siya sa mga lugar na may problema sa Covid. Kailangang malaman niya kung ligtas siya dahil kung hindi baka pati pamilya niya madamay pa. Pero ipinagmamalaki ni Mayor Goma, negative siya. Ang punto naman kasi, kahit na malanghap mo iyang …

Read More »

Aktor, ‘pumapasada’ pa rin kahit matanda na

blind mystery man

POGI naman talaga ang isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Hindi siya sumikat dahil medyo pasaway. Nagsimula rin daw iyan talaga sa male personality contest sa Cebu. Hindi man sumikat, ok naman siya dahil naging “boytoy” ng isang doctor, at ng isang bading ding actor. Tapos nakipag-live in sa isa pang transgender sa kanilang probinsiya …

Read More »

Healing prayer ni Fr. Suarez, highlight sa The Healing Priest

SINABI ng director na si Joven Tan na sa isang bahagi ng kanyang pelikulang Suarez: The Healing Priest, ipinakita ang isang healing mass na pinangunahan ni Fr. Fernando Suarez mismo. Roon sa healing mass na iyon, ang highlight kaya isinali sa pelikula iyong “healing prayer” ni Suarez para sa lahat ng may sakit. May ganoong video rin si Suarez na kumalat matapos na siya …

Read More »

Nadine, bakit hinahabol pa ng Viva?

IDINEMANDA ng Viva si Nadine Lustre dahil umano sa violation niyon ng kanyang contract. Kahit na sinasabing nakakontrata pa si Nadine sa Viva hanggang 2029, tumatanggap na iyon ng trabaho nang hindi dumadaan sa kanyang management company. Pero bakit nga ba hinahabol pa nila si Nadine? Ang dalawang huli niyang pelikula, iyong Ulan at Indak ay parehong naging flop. Pumirma siya para sa isang serye sa ABS-CBN, na siguro …

Read More »

Aktor, ‘di kumita ang negosyong monay kaya hotdog na ang itinitinda

blind item

DAHIL sa matinding pangangailangan, umabot na ang isang male star sa pagte-text ng medyo mahalay sa isang kilalang businessman, bigyan lang siya niyon ng perang pambayad sa kanyang condo at credit card. Nalugi na rin kasi ang kanyang “bakery on line.” Talagang mahalay na ang text habang sinasabi niya kung ano ang maaari niyang gawin para mapaligaya ang kanyang date. Kaya ang …

Read More »

Julia at Gerald, deny pa rin sa relasyon (Panay naman post ng kanilang adventure)

ANG pinag-uusapan na naman nila ngayon, bukod doon sa bakasyon sa private resort ni Gerald Anderson, kasama rin ng actor ang sinasabing syota na niyang si Julia Barretto na nag-mountain climbing sa Mt.Kulis sa Tanay, Rizal. Kumalat naman iyan dahil sa social media post na ginawa ni Julia mismo at ng kapatid ni Gerald. Napagkompara ng mga tao ang mga tanawin, at nalaman …

Read More »

Poging contestant, panay ang text kay fashion designer

blind mystery man

“TITO, available po ako bukas, kung may free time kayo,” text ng isang poging contestant sa isang noontime show dati sa isang fashion designer na naka-date na rin naman yata niya noong araw. Dati kasi nagiging performer pa rin sa mga provincial show si pogi, at nagiging host sa mga corporate event, pero ngayon dahil bawal nga ang mga mass gatherings at walang shows, iyong …

Read More »

Cong. Vilma Santos, aminadong pasaway

Vilma Santos

AMINADO si Congresswoman Vilma Santos na marunong din naman siyang magalit. Marunong siyang mainis. Minsan pasaway din siya, bagama’t mahaba ang kanyang pasensiya. Inamin din naman niyang may panahon na nagrebelde siya. Umiinom din siya ng alak, pero red wine lang at masasabing social drinking lang iyon. Hindi naman siya kagaya ng iba na tomador na talaga. There was a time nagsigarilyo …

Read More »

Aktor, ‘di namana ang kaguwapuhan at galing umarte ng ama

blind item

KAWAWA naman ang isang male star. Lagi siyang ikinukompara sa mas sikat na tatay niya, at ang masakit sinasabi pang hindi niya namana nang husto ang kaguwapuhan ng tatay niya. May hitsura naman iyong bata, pero totoong mas pogi sa kanya ang tatay niya. Kung hindi na siguro siya nag-ambisyong mag-artista, hindi niya aabutin ang mga ganyang panlalait. Kawawa rin naman …

Read More »

Ray-an Fuentes at pamilya, tinamaan ng Covid

GRABE pala ang tumamang Covid sa singer na si Ray-an Fuentes. Kasama niyang nag-positive ang buo niyang pamilya, pero ang pinaka-grabe ay ang kanyang asawang si Mei Lin Fuentes na nasa ICU na ng ospital at may nakakabit na ventilator. Si Ray-an ay naka-oxygen din dahil nahihirapan siyang huminga, at sinasabi nga niyang sinabihan din siya ng doctor na kung hindi pa aayos …

Read More »

John Lloyd, pinag-aagawan pa rin (Parang Aga at Richard lang)

ISA lang ang comment na narinig namin nang nagsimulang lumabas iyong isang special advertisement for Christmas ng isang relo na ginawa ni John Lloyd Cruz. Lahat sila ay nagsasabing “pogi talaga” si John Lloyd. Marami rin ang nakapansin na nagmukha pa siyang bata sa ngayon. Mukhang malaking bagay nga iyong nakapagbakasyon siya ng mahigit tatlong taon din, matapos magkaroon ng isang kontrobersiyal na …

Read More »