Thursday , June 1 2023
Jak Roberto

Kaguwapuhan ni Jak binasag ng netizen: Retokado raw kasi

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG titingnan mo sa ngayon si Jak Roberto, hindi lang naman maganda ang kanyang katawan, pogi naman siya kaya marami rin siyang fans. May nagsasabi ngang sa ngayon, isa siya sa best looking male stars, pero ewan ba kung bakit may ibang nagpipilit pa na hindi naman daw pogi si Jak. Retokado lang daw ang mukha niyon.

Ewan kung sino ang may galit kay Jak, hinanap pa ang kanyang mga picture noong nagsisimula pa lamang siya at sumasali sa mga male personality contest, bago siya nakasali sa Walang Tulugan, para patunayan lang na hindi siya totoong pogi at nagpa-retoke lamang.

Eh ano ba kung nagpa-retoke? Maganda naman ang kinalabasan ng retoke sa mukha niya kung sino mang doctor ang gumawa niyon, at ang
mahalaga kung ano ang itsura niya ngayon. Palagay namin hindi naman papansinin ng mga fan ang mga picture niya bago nagpa-retoke.

About Ed de Leon

Check Also

Eat Bulaga Farewell

Afternoon programming ng GMA apektado sa pag-alis ng TVJ

HATAWANni Ed de Leon NATAKPAN ang lahat ng mga balita at issues nang lumabas mismo …

Kim Chiu Eat Bulaga

Kim Chiu nakisimpatya sa pagbababu nina Tito, Vic, at Joey

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAHAYAG ng suporta si Kim Chiu kina Tito, Vic, at Joey sa naging desisyon ng mga …

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang …

ABS-CBN Kapamilya Online Live

3 Primetime shows ng ABS-CBN winasak viewership record sa KOL

NAGTALA ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang …

Misha de Leon

Misha de Leon naglabas ng debut single 

NAGLUNSAD ng debut single ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Misha De Leon, ang Damdamin.  Ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *