Saturday , July 27 2024

Jasmine nawalan na ng serye binanatan pa ng netizens (Rider pinagbintangang ninakaw ang inorder na food)

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAWAWA naman si Jasmine Curtis Smith, nalagay na nga sa ”season break:” ang kanyang serye dahil hindi nakaabante sa ratings,  muk­hang hindi na ibabalik dahil ang pinag-uusapan na ngayon ay ang proyekto ni Alden Richards na kasama si Bea Alonzo. At ngayon binabanatan pa siya ng netizens dahil lamang sa pagkaing inorder at hindi nai-deliver sa kanya.

Nag-order daw siya ng pagkain, kaso hindi nakarating ang kanyang order, siguro nainis dahil nagutom, ang ginawa nag-post sa kanyang social media account, inilagay niya pati identity at picture ng rider na dapat mag-deliver sa kanya, at sinabi niyang ”ninakaw ang pagkain ko.”

Siguro nga nainis siya dahil binayaran niya iyon at hinihintay niya para kainin tapos hindi dumating. Hindi alam kung ano ang nangyari sa rider na hindi nakarating. Nangyayari iyan kahit na kanino. Kami naka- experience rin ng ganyan, nag-order kami ng pagkain para sana sa tanghalian. Hindi rin dumating. Nakarating ang pagkain namin ng 3:00 p.m., pero naaksidente pala ang rider. Ang naghatid sa amin ay iyong anak niyong rider, humihingi pa ng dispensa at huwag na raw bayaran kahit dapat ay COD. Kasi naak­sidente nga ang tatay niya na siyang dapat magdala niyon. Eh kung ang ginawa ko ay minura ko rin ang rider at pinagbinta­ngang ninakaw ang pagkain ko, ano ang gagawin ko sa ganoong si­twasyon?

Ang dapat gawin, kung hindi dumating ang inaasa­hang delivery, i-report ninyo sa customer service ng kompanya. Sila ang bahala sa rider nila. Bibigyan nila kayo ng refund ng ibinayad ninyo. Wala na nga lang magagawa kung nagutom kayo pero talagang ganoon eh.

Sino bang rider ang gustong maireklamo dahil hindi niya nai-deliver ang order na ipinadala sa kanya? Maaari siyang mawalan ng trabaho kung ganoon. Sa panahong ito, isusumpa mo kung mawawalan ka pa ng trabaho. Iyang mga rider na iyan kikita lang ng mga P100 sa bawat delivery, magpapa-gasolina pa ng motorsiklo niya. Kung mainit bilad siya sa araw. Kung umuulan, basa siya. Marami riyan hinuhulugan pa ang motorsiklo nila. Nagtitiis sila dahil mas mahirap kung wala silang pagkakakitaan.

Kaya hindi naman talaga tama na pagbintangan mo ang isang tao na ninakaw ang pagkain mo, ilabas mo sa social media at bigyan ng kahihiyan. Hindi lang iyong tao kundi pati ang pamilya niya. Iyong ibinayad, maaari namang ipa-refund. Pero iyong sakit na dulot niyon sa isang tao, hindi mo na mababawi.

About Ed de Leon

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *