Saturday , July 27 2024
Carla Abellana, Tom Rodriguez

Tom & Carla gagawa agad ng baby

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ikasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong October 23, masayang ibinalita ng Kapuso couple ang kanilang mga susunod na hakbang sa kanilang relasyon.

Sa Unang Balita interview ni Aubrey Carampel, ibinahagi nina Carla at Tom kung kailan nila balak magkaroon ng anak.

“Agad,” madiing sagot ni Tom sa tanong ng GMA News reporter.

Dagdag naman ni Carla, “It’s not something that we honestly don’t want to delay. Kasi isa rin ‘yon sa reasons [kung bakit] gusto na naming magpakasal.”

Ayon pa sa kanila, taong 2022 ang kanilang target honeymoon kapag tapos na ang kani-kanilang projects.

Weeknights napapanood ngayon si Carla sa To Have And To Hold (with Max Collins and Rocco Nacino) samantalang si Tom ay kabilang sa cast ng The World Between Us (with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith) na malapit na ring magbalik sa ere.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …