Thursday , December 9 2021
Betong Sumaya, Alden Richards

Betong napaiyak nang bilhin ni Alden mga ibinebenta sa live selling

Rated R
ni Rommel Gonzales

IBANG klase talaga ang kabaitan ni Alden Richards.

Nagkaroon kasi ng Facebook live online selling ng kanyang mga personal na gamit (sumbrero, t-shirt, mugs, Marvel items) si Betong Sumaya ilang araw ang nakararaan.

Malapit ng matapos ang online selling ni Betong nang isang RJ Richards ang nagtanong kung magkano ang halaga ng lahat ng ibinebenta niya.

Sa simula ay hindi agad nakilala ni Betong kung sino si RJ Richards. Matapos na basahin ng ilang ulit ang mensahe ay doon na napagtanto na ang kaibigan niya at kapwa Kapuso artist ang nagtatanong, na walang iba nga kundi si Alden.

“Si RJ Richards? Ha? Alden, ikaw ba ‘yan?” ang gulat na tanong muna ni Betong.

“Magkano lahat ang ibinebenta mo riyan, Bets?” ang muling mensahe ni Alden.

At iyon na nga, nagulat si Betong noong masigurong si Alden nga ang nagtatanong sa kanya ng halaga ng mga ibinebenta niya.

“Siya ‘yun! Ay, sumagot na nga.

“Ay, si Alden nga talaga ito! My God, Alden! Grabe naman ‘to!”

At ang sumunod na mensahe ni Alden ang nagpaiyak kay Betong.

“Bigyan mo ako ng P40K [worth].”

Na-shock si Betong at hindi makapaniwala na nanonood pala si Alden ng kanyang online selling at bibili ng halagang 40K.

“Sige, Alden, sige. Wow, my goodness Alden, napaiyak mo naman ako roon.

“Oh my God, Alden, thank you.

“Ano ba ‘yan, Alden, pinaiyak mo naman ako rito.

“Sige, Den, iano ko, iku-compute ko, thank you.

“Ano ba ‘yan, si Alden naman, o! Napaiyak talaga ako, sobra.

“Sige, Den, ku-compute-in ko, ha. ‘Yung sabi niya kasi, worth P40,000. Thank you, Den.”

Agad na binayaran ni Alden sa pamamagitan ng GCash ang ipinangako niyang halaga kay Betong, dahilan upang lalong umiyak ang komedyante.

“Hala, nagbayad na!

“Den, salamat, ha. From the bottom of my heart and my soul, maraming salamat.

“Hindi ko ini-expect na dadaan ka rito. Thank you,” ang sunod-sunod na umiiyak na pahayag ni Betong.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Alden ng The World Between Us ng GMA (na magbabalik-ere sa Nobyembre) at may nakapagsabi sa amin na kahit binayaran na ay hindi kukunin ni Alden ang mga biniling gamit kay Betong.

About Rommel Gonzales

Check Also

Bea Alonzo Alden Richards

Alden last movie ang pagsasamahan nila ni Bea

RATED Rni Rommel Gonzales TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng kanyang …

Bianca Umali Halfworlds HBO

Pagbibida ni Bianca sa HBO series ‘di pa nagsi-sink-in

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Bianca Umali na tapos na ang shooting nila para sa season …

Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak …

Andi Abaya Joaquin Domagoso

Joaquin at Andi panalo sa pagpapakilig

HARD TALKni Pilar Mateo NAKARAY ako na panoorin ang full length movie ni Joaquin Domagoso na Caught InThe Act na ipinareha siya …

Marco Sison, Rey Valera, Dulce, Parol, bibingka at puto-bumbong

Parol, bibingka at puto-bumbong nina Marc, Rey, at Dulce extended

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG tatanungin ang bawat isa ng mga hindi nila makalilimutang Pasko …