Thursday , December 9 2021
Alden Richards

Alden nagpakilig sa mala-business tycoon look

MULING nagpakilig si Alden Richards matapos kumalat sa social media ang kanyang recent photo na kuha mula sa lock-in taping ng GMA primetime series na The World Between Us.

Mala-CEO ang dating ni Alden na suot ang blue suit and pants, na idinisenyo ng fashion designer na si Paulo Lazaro, habang nakaupo sa hood ng Mercedes Benz

Ayon sa Twitter user na si @YammyCurls”lakas maka-business tycoon [ni] @aldenrichards02 aka Louie Asuncion, looked rich, sharp & ready to conquer the world.”

Para naman kay @iam_evs, may hawig si Alden sa Korean actor na si Song Joong-ki nang gumanap ito sa titular role na Vincenzo.

Dahil sa pogi shot ni Alden, nag-trend pa ang #AldenRichards at #TheWorldBetweeenUs sa Twitter noong Linggo, October 10.

Tumutok sa GMANetwork.com para sa iba pang updates tungkol sa The World Between Us na magbabalik sa ere sa Nobyembre 15.

Bukod kay Alden (bilang Louie Asuncion), tampok din dito sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez at sina Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.

May mahahalagang papel din ditto sina Sid LuceroKelley DayYana AsistioJericho Arceo, at Donn Boco.

Ang The World Between Us ay idinidirehe ni Dominic Zapata.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Bea Alonzo Alden Richards

Alden last movie ang pagsasamahan nila ni Bea

RATED Rni Rommel Gonzales TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng kanyang …

Bianca Umali Halfworlds HBO

Pagbibida ni Bianca sa HBO series ‘di pa nagsi-sink-in

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Bianca Umali na tapos na ang shooting nila para sa season …

Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak …

Andi Abaya Joaquin Domagoso

Joaquin at Andi panalo sa pagpapakilig

HARD TALKni Pilar Mateo NAKARAY ako na panoorin ang full length movie ni Joaquin Domagoso na Caught InThe Act na ipinareha siya …

Marco Sison, Rey Valera, Dulce, Parol, bibingka at puto-bumbong

Parol, bibingka at puto-bumbong nina Marc, Rey, at Dulce extended

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG tatanungin ang bawat isa ng mga hindi nila makalilimutang Pasko …