Saturday , April 13 2024
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kathniel

Daniel at Kathryn gagawa na ng teleserye

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGKAKAROON na ng isang comeback teleserye sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Aba kailangan nila iyan. Apat na taon na ang nakararaan simula noong huli nilang teleserye, at iyon namang ginawa nilang serye na inilabas sa internet, hindi masyadong click. Wala namang nagki-click na show kung sa internet lang.

Kung may gagawin nga silang seryeng pang-telebisyon, at least maipalalabas iyon sa TV5 na mas marami ang makakapanood. Ilalabas na rin iyon sa ZoeTv na ngayon ay may dalawa nang provincial stations. Malayo pa rin sa napakalakas na power ng ABS-CBN na 150Kw at mahigit na 50 provincial stations. Pero ano nga ba ang magagawa eh wala na silang franchise, at mananatili nga sigurong ganyan maliban kung magkaroon ng pagbabago sa sitwasyong political sa ating bansa.

Iyong pelikula namang ginawa ni Daniel, ang sabi nila maganda pero hindi pa naman naipalalabas locally. Wala pang sinehan.

About Ed de Leon

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Janella Salvador Karylle Showtime

Janella ipinagtanggol ni Karylle: She’s not feeling well…it meant nothing

MA at PAni Rommel Placente NAKAHANAP ng kakampi si Janella Salvador kay Karylle.  Ipinagtanggol kasi ng huli ang …

Jos Garcia

Int’l artist Jos Garcia suporta at pagtangkilik wish sa kanyang kaarawan

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap na birthday celebration ni Jos Garcia sa Japan kasama ang …

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Ruru Madrid Black Rider

Bagong alyansa ng kasamaan haharapin ni Ruru

RATED Rni Rommel Gonzales THE war ain’t over yet para kay Black Rider, kaya naman tutok na …