Saturday , October 1 2022
Renee Alon dela Rosa 

Alon 40 ospital ang pinuntahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAMATAY kamakalawa ng umaga ang composer ng kantang Pusong Bato na si Renee “Alon” dela Rosa dahil sa respiratory complications. Namatay siya sa Novaliches District Hospital. Hinihintay pa nila kung siya nga ay tinamaan din ng Covid.

Ang nakalulungkot, dalawang araw silang naghahanap ng ospital na mapagpapasukan sa kanya, at sinabi ng kanyang asawang si Raquel Hernandez na nadala nila si Alon sa halos 40 ospital pero walang makatanggap sa kanya dahil puno na sa pasyenteng may covid.

Mukhang tama ang sinasabi ng mga tao, mali ang tumbok ng gobyerno na puro bakuna ang sinasabi ganoong ang mga bakunado, tinatamaan din ng Covid. Iyon namang mga may Covid bihira ang namamatay at marami ang gumagaling. Bakit hindi ang ayusin ay ang serbisyo ng mga ospital, at bayaran ng tama ang mga healthcare worker para hindi na mag-resign at matulungan ang mga nagkakasakit.

Kaysa natatapon lang sa mga gamot na halos expired na, at mga PPE, face shield, at face masks na mahal na wala pang pakinabang?

Eh kaso wala eh. Nauubos ang oras ng mga heneral sa lockdown. Pandemya ang problema, hindi naman rebellion kaya mukhang mali ang lockdown na in effect ay curfew. Hindi puwede sa pandemya ang military solution.

About Ed de Leon

Check Also

Imee Marcos Atty Michael Manotoc

Bonding time sa anak na si Atty. Michael Manotoc, mapapanood sa bagong vlog ni Sen. Imee

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ang bonding time ni Sen. Imee marco sa anak …

Piolo Pascual Rhea Tan

Aminadong pinag-ipunan ang Kapamilya star
BEAUTEDERM CEO RHEA TAN DREAM COME TRUE NA MAGING ENDORSER SI PIOLO PASCUAL,

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na …

Ima Castro Jeffrey Carmelo C De Castro

Fundraising concert para sa kapatid ni Ima Castro ikinasa 

MATABILni John Fontanilla ISANG fundraising event ang binuo ng Crossroads X Movers para sa pagpapagamot ng isa …

Sunshine Dizon Asian Business Excellence Awards

Sunshine Dizon Most Outstanding Actress sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na 3rd Asian Business Awards 2022 na ginanap kamakailan sa Steelworld …

Bea Alonzo Alden Richards Start-Up PH

Start-Up PH trending agad

RATED Rni Rommel Gonzales IDINAAN ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang pasasalamat niya sa mga manonood ng Start-Up …

Leave a Reply