Thursday , July 2 2026
Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat Bulaga na siAnjo Yllana.

Ikinalugod ng TVJ Productions, Inc. at Eat Bulaga ang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 279 na pagbayarin ang comedian-host at isyuhan ng permanent injunction.

Ito’y may kaugnayan sa mga mapanirang-puring pahayag ng aktor laban sa mga host ng Eat Bulaga sa pamamagitan ng TikTok.

Inatasan ng korte si Anjo na magbayad ng P3.5-M bilang danyos sa TVJ Productions dahil nakasira umano sa reputasyon ng noontime show at ng mga host nito ang kanyang mga pinagsasabi.

Sa inilabas na resolusyon ng korte, sinabi nitong hindi lisensiya ang freedom of speech para manira ng reputasyon ng ibang tao.

Pinagbabawalan din si Yllana, ang mga kinatawan niya, at iba pang taong kumikilos para sa kanya na maglabas, magbahagi, mag-broadcast, o mag-reupload ng mga pahayag sa social media na makasisira sa reputasyon at goodwill ng TVJ Productions at Eat Bulaga.

Papatawan ng 6% legal interest kada taon ang mga ipinagkaloob na halaga mula sa pinal na desisyon hanggang sa ganap na mabayaran.

Sa official statement ng TVJ Productions ukol sa resulta ng isinampa nilang kaso laban kay Anjo, ikinasiya nila ang naging desisyon.

Anila, “This victory is a defense of the integrity of Eat Bulaga, its hosts, and the trust that generations of viewers have placed in the program.”

Wala pang statement na inilalabas si Anjo habang isinusulat ang balitang ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …

Katrina Halili

Katrina tinanggap award ni Kris

MATABILni John Fontanilla ISANG malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa aktres na si  Katrina …

Jos Garcia Nolo Lopez PMPC Star Awards for Music

Jos at Nolo emosyonal sa 17th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDAGDAG ng panibagong mahalagang tagumpay sa kanilang karera sa musika ang singer-songwriter …

Bryan Dy White Party Vice Ganda

White Party Manila pinadagundong World Trade Center, Bryan Dy sobra-sobra pasasalamat

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-ENGRANDE ng katatapos na White Party Manila Pride Month na hatid ng Mentorque Productions ni Bryan Dy last …

Globe SPEEd The Eddys

Globe at SPEEd sanib-puwersa pagkilala sa galing ng pelikulang Pilipino sa The 9th EDDYS

MULING masasaksihan ang malaking koneksiyon ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) at Globe sa nalalapit na The 9th Entertainment …