Sunday , December 5 2021
Marion Aunor
Marion Aunor

Marion dapat suportahan kaysa singers na laos

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGALING na singer si Marion Aunor at natural iyon dahil likas na yata sa kanilang pamilya iyong magagaling kumanta. Kung sabihin man na ang talagang sumikat diyan ay ang tiyahin niyang si Nora Aunor, huwag ninyong kalimutan na ang nag-coach sa kanya noong sumali siya  sa Tawag ng Tanghalan ay si Sgt. Saturnino Aunor,  tatay ni Lala at lolo ni Marion. Kaya nga dahil doon, ginamit na rin ni Nora ang apelyido nilang Aunor.

Nakagawa na rin naman ng ilang album si Marion, pero ang record company niya niyon ay sa ABS-CBN, at natural hindi sinuportahan ng ibang networks. Kaya noon pa pangarap na niyang magkaroon ng sariling kompanya na magpo-produce ng kanyang plaka.

Ngayon naitayo na nga niya ang Wild Dream Records at natapos na rin niya ang isang album na ang carrier single, iyong Kama na siya ang nag-compose, kumanta, at nag-produce. Maganda ang kanta at ginawa nga nila in collaboration sa Viva Records kaya tiyak na maganda ang distribution. Maganda naman ang resulta sa unang araw pa lamang ng  release, at sinasabi nga nila, maaari iyong maging gold sa loob ng isang buwan lamang kung hindi magbabago ang trend sa sales.

Magaling namang kumanta talaga si Marion, at naniniwala rin kami na ang mga singer na ganyan ang dapat na binibigyan ng push kaysa mga laos na na nagpipilit pa.

About Ed de Leon

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, The World Between Us

Serye nina Alden, Tom, at Jasmine nasa GTV na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood …

Leave a Reply