Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cara Gonzales

Cara Hubad kung hubad, off limits lang ang boobs

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SPEAKING of mga inilulunsad, ang Viva ni Boss Vic del Rosario ang tila hindi nauubusan sa mga bagong mukha sa kanyang kuwadra, lalo na sa mga nagseseksihang mga nilalang. Lalo na sa kababaihan.

Nakita na sa unang Pornstar ng Pandemic Director na si Darryl Yap ang unang batch na kasama sina AJ Raval at Anna Jalandoni.

Rito sa Pornstar2: Ikalawang Putok, bibigyan naman ng pansin sina Cara Gonzales, Ayana Misola, Stephanie Raz, at Sab Aggabao.

Palaban din ang apat gaya ng unang batch at hindi natatakot sa kung ano pa ang ibansag ng mga makakapanood sa pelikula nila sa hatid na ito ng Vivamax na masisilayan na sa December 3, 2021.

Si Cara ang medyo nasalang na sa maraming proyekto kaya gamay na niya ang pakikipagtrabaho sa costars niya lalo na sa mga señora na kasama sa pelikula like Rosanna Roces, Alma Moreno, Ara Mina, at Maui Taylor.

Kaya hindi naman masasabi na pinasakit nila ang ulo ni Direk Darryl sa mga inasahan nito sa ibinigay nila sa mga eksena.

Proud nga ang manager ni Cara na si Jojo Veloso sa kanya. Dahil ang pagiging palaban nito, kahit pa ang pinagmulang pamilya ay konserbatibo at unica hija pa sa anim na magkakapatid, ay ginagawa sa kanyang niyakap na karera.

Muling naibahagi ni Cara sa mga nakatsika niya sa zoomcon ng  Pornstar2 ang bilin ng Dad niya. 

“Off limits ang hawak sa boobs. A Dad thing. Alam nila kung ano ‘yun. Kaya, thankful naman ako sa mga naka-eksena ko ng mga kalalakihan sa mga nagawa kong projects na sinusunod naman ‘yun. Maski ng direktor.”

Maliwanag. Walang hawakan. Walang hipuan.

Fiery ang tingin ni direk Darryl kay Cara. Makulit si Sab. Si Ayana ‘yung bagets pa in many ways. At si Steph ang pinaka-mahiyain. 

May iba na namang pangiliti sa utak na ihahatid si Direk Darryl and his girls sa Ikalawang Putok.

What? 42 breast exposures? Tama ba ang narinig ko? 4 love scenes? 

Dagdag pa ni Direk Darryl, sa ikatlong Pornstar, aariba naman ang mga barako! Papasok na riyan ang mga pornstar ng kanilang panahon like Jay Manalo, Leandro Baldemor and more.

The truth about pornstars! 

Paano sila puputok?

Apat na babae ang ipapasok ni Lara Morena at handa silang gawin ang lahat upang maging next Pinay pornstar. Si Gabriela a.k.a Gabby (Sab), nag-iisang-anak at maagang naulila sa magulang.  Kolehiyala siya sa umaga, at waitress naman sa gabi. Si Melchora a.k.a Melch (Cara), ang panganay sa pitong  magkakapatid at nagtatrabaho bilang commercial model. Si Trinidad a.k.a Trina (Ayana), ay isang anak ng doktor at galing sa mayamang pamilya. DJ siya sa isang club at sanay sa inuman. Si Josefa a.k.a Seffa (Stephanie), isang byukonera at primera kontesera. Hindi na siya tumuloy mag-college at kasalukuyang tambay lang. Umaasa lang siya sa mga sponsor. Isa sa kanila ang magiging bagong mukha ng Pinoy sexy movies.

Siguradong trending at hit na naman ang hubaran at tawanan sa #Pornstar 2 Pangalawang Putok sa December 3, streaming online sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA at Canada.

Mag-add to cart na ng Vivamax subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Maaari ring magbayad ng Vivamax subscription plans sa mga authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. 

Ginawa ring mas affordable ng Vivamax ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days! At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, Vivamax!

Putok na putok na ba kayo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

BingoPlus GMA

BingoPlus leads the next chapter in digital storytelling and mobile viewing

GMA’s “A Masked Billionaire Stole My Heart” poster, streaming exclusively on BingoPlus app Kicking off …

Dianne Medina

Dianne nababalanse oras sa pamilya at trabaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKINABANGAN ni Dianne Medina ang galing sa pagsasalita, determinasyon, diskarte, at pagiging positibong …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Ellen naglabas ‘resibo’ ng pagtataksil umano ni Derek

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BINASAG ni Ellen Adarna ang pananahimik  kahapon sa paglalabas ng resibo ukol sa imano’y …

Goitia BBM FL Liza Marcos

Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang

Malakas ang Sigaw, Mahina ang Basehan Maingay at matapang ang pahayag ni Senadora Imee Marcos …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Drug haul sa Bataan; 500 gramo ng “obats” nasamsam 2 arestado

DALAWANG kilalang tulak ng droga ang naaresto habang humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na …