Saturday , July 27 2024
Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales, Stephanie Raz, Darryl Yap, Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, Rosanna Roces

Direk Darryl inireklamo ang apat na baguhang bida sa Pornstar 2

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG sobrang nadalian si Direk Darryl Yap sa pakikipagtrabaho kina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at Rosanna Roces namroblema naman siya sa mga baguhang sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales, at Stephanie Raz na kasama sa Pornstar 2: Pangalawang Putok.

“Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set ‘yan, nakikita ko ‘yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap ‘yung kalooban ko.

“Nagre­reklamo ako kay Boss Vic (del Rosario) sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’

“Sabi ko sa kanila, ‘magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘kasi direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa ‘yung robe.’

Pagta­tanggol naman ni Ayana sa tinuran ni Direk Darryl,  ”Naglalakad kami sa hallway nang nakahubad lang. Ayaw na naming isuot ‘yung robe kasi pagpunta namin sa set, tatanggalin din naman. Same lang naman ‘yung mga tao na makakakita.”

Sa kabilang banda, sa mga kumuwestiyon kung bakit Pornstar ang ginamit na titulo sa pelikula gayung hindi naman pornstar ang mga bidang sina Osang, Ara, Maui, at Alma, narito ang paliwanag ng director, ”The reason why I used pornstar is because it actually mirrors how society see the actors just doing sexy. It’s actually a judgment for the people.

“Ito’y sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibo na kapag nakitang nakikipaghalikan sasabihin na kaagad pokpok pornstar.”  

‘Yun na! Abangan ang journey ng mga bagong hubadera ng Viva Films saPornstar 2: Pangalawang Putok sa December 3 sa Vivamax.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …