Friday , November 14 2025
Paolo Contis, Lj Reyes, Lian Paz
Paolo Contis, Lj Reyes, Lian Paz

Lian ayaw makialam kina Paolo at LJ: past is past

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAKIT nga ba pinipilit pa rin daw si Lian Paz na magsalita tungkol sa hiwalayan nina Paolo Contis at Lj Reyes? Sinabi na rin naman niyang para sa kanya, “past is past.” Ayaw niyang makialam dahil hindi naman siya concerned at kahit na sabihin mong may dalawang anak din naman siya kay Paolo, mahigit anim na taon na silang hiwalay, may asawa na rin naman siya ngayon at tahimik na ang kanyang buhay.

Kung magsasalita pa siya, baka madamay lang siya sa isang sitwasyong hindi maganda.

Alam naman ninyo kung minsan, iyang mga mahilig na maghalukay ng controversy wala rin silang pakialam kung ang ini-interview nila ay mapapahamak pa, basta makagawa lang sila ng kuwento.

Kaya tama si Lian. Huwag na siyang magpadala sa ganyang pambubuyo, after all ano nga ba ang makukuha niya magsalita man siya.

Lalabas pa siyang pakialamera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …

Michael Sager Ysabel Ortega A Masked Billionaire Stole My Heart

Michael Sager at Ysabel Ortega bibida sa kauna-unahang vertical shorts ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang kinahuhumalingan na ngayon sa social media ang mga tinatawag …

GMA Kapuso Foundation GMAKF

GMA Kapuso Foundation walang tigil sa paghahatid ng tulong

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang buong puwersa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa paghahatid ng tulong …