Tuesday , May 20 2025
LJ Reyes, Paolo Contis, Aki, Summer

LJ nagpa-iwan ng ‘Pinas para kay Paolo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRULILI ba na matagal ng inaaya ng pamilya niya sa Amerika si LJ Reyes at nagpaiwan lang siya ng Pilipinas dahil kay Paolo Contis para mabuo ang pamilya nila pero nauwi sa wala?

Base sa ipinost ni LJ sa kanyang IG story tungkol sa pagmamahal ay maraming netizens ang nagkomento na ‘sana ol may pang NYC kapag heartbroken.’

May sumagot naman ng, “Bago pa mag-artista ‘yan nasa NYC na talaga immediate family and relatives niya, nagpaiwan na lang dito ‘yan dahil kay Paolo.”

Bukod dito ay marami rin ang nagsabing blooming si LJ sa mga larawang kuha niya nang dumalo sa nakaraang New York Fashion Week 2021 na nagpaka-fan girl siya sa American model na si Gigi Hadid.

Gusto naming dagdagan ‘yung sinabing nagpa-iwan si LJ sa Pilipinas, nangyari pa ito noong sumali siya sa Starstruck season 2 dahil gusto niyang mag-showbiz at the same time ay isasabay niya ang kanyang pag-aaral na kung hindi kami nagkakamali ay may kinalaman sa medisina ang kurso.

Kung tama ang pagkakatanda namin ay nurse o health worker ang mama ng aktres sa kilalang hospital sa New York City noon na retirado na ngayon dahil nagma-manage na ng sariling Bar and Restaurant katuwang ang kapatid ni LJ na may pamilya na rin.

Fast forward kung tama rin kami ay green card holder noon si LJ kaya nga roon niya ipinanganak ang panganay niyang si Aki at hindi nakasunod noon ang ama nitong si Paulo Avelino dahil hindi na-aprub ang US Visa.

Hanggang sa bumalik ng bansa si LJ kasama ang sanggol palang noon na si Aki hanggang sa nagkahiwalay na rin sila ng tatay ng panganay na anak.

Sa pagkakaalam din namin ay pinasusunod na nga ng NYC sina LJ at Aki noong sila na lang dalawa pero dumating si Paolo Contis sa buhay ng aktres at nagkaroon sila ng anak na si Summer na dalawang taon na ngayon.

At dahil nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina LJ at Paolo ay kinailangan ng una ng bagong paligid kaya siya lumipad patungong Amerika kasama ang dalawang anak.

Sa panayam ni LJ kay King of Talk, Boy Abunda ay wala siyang binanggit kung hanggang kailan siya mananatili sa Amerika at sa tingin namin ay matatagalan ang mag-iina roon dahil kailangan totally healed na ang aktres ‘pag naisipan niyang bumalik dito.

Sabi nga ng mga kaibigan niya ay tama lang ang ginagawa niya ngayon na mag-move-on at gawin ang mga bagay na makatutulong sa kanya para makalimot.

About Reggee Bonoan

Check Also

Binibining Pilipinas 2024 Glam Shot Photo Exibit

Ganda at Glamour: Binibining Pilipinas 2025 Photo Exhibit, Tampok sa Araneta City

BINUKSAN ng Araneta City ang 2025 Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit tampok ang mga …

Jana ChuChu, Cogie Domingo pinarangalan sa 10th Southeast Asia Achievement Awards  

Jana ChuChu, Cogie Domingo pinarangalan sa 10th Southeast Asia Achievement Awards  

MATABILni John Fontanilla PINANGUNAHAN ng uprising boy group sa bansa ang Magic  Voyz, Cogie Domingo, Andrew Gan, …

LJ Reyes Kids Aki Summer

LJ Reyes wala pang balak bumalik sa pag-arte, happy sa NY

MATABILni John Fontanilla  MASAYA at proud mom si LJ Reyes sa kanyang mga anak na sina Aki (anak kay Paolo …

Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy puring-puri pagiging propesyonal, smart ni Nadine

RATED Rni Rommel Gonzales SI Billy Crawford muli ang host ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas na kasama …

Maja Salvador Emojination

Maja sa pagiging ina: masarap na pagod, worth it

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG taon na sa May 31 si Maria, ang anak nina Maja Salvador at Rambo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *