Saturday , February 4 2023
LJ Reyes
LJ Reyes

Acting career ni LJ ituloy pa kaya?

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAPANOOD namin ang one on one interview ni LJ Reyes with Boy Abunda at hirap na hirap kaming panoorin ang interview. Hindi niya masabi in details kung ano ang pinag-ugatan ng paghihiwalay.

Hindi man aminin ay mukhang may 3rd party ngang involve. Kilala namin si Paolo noon pa man at nakita namin ang pinagdaanan niyang problema. At kaya isa ‘yun sa pumasok sa amin na posibleng dahilan ng paghihiwalay nila. Ramdam namin ang sakit nito kay LJ. Pinilit daw niyang magkabalikan sila pero si Paolo na ang tumanggi.

Hindi man lang isinaalang-alang ni Pao ang anak.

Kasalukuyang nasa New York si LJ dala ang dalawang anak sa bahay ng kanyang ina. Tandang-tanda pa namin noon nang dalawin namin si LJ sa bahay ng kanyang ina sa may Queens Boulevard sa New York malapit sa Macys at Queens Center. Nauna pa kaming makita si Aki noon kay Paulo Avelino na hindi mabigyan ng US Visa.

Wish naming malagpasan ito ni LJ at marami pa siyang makakasalamuha at sana ipagpatuloy niya ang showbiz career niya.

About Joe Barrameda

Check Also

Paolo Ballesteros

Paolo Ballesteros aliw ang pagtanggap ng award

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAAALIW si Paolo Ballesteros nang dumalo sa 35 PMPC Star Awards for TV para personal …

Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy …

Juancho Triviño Padre Salvi LRT

Padre Salvi nag-enjoy sa pagsakay sa LRT

RATED Rni Rommel Gonzales WALANG awat sa pagrampa sa makabagong mundo si Padre Salvi. Sa …

Faith Da Silva

Faith Da Silva pinanggigigilan ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI pikon sa halip ay game na sinagot ng Kapuso actress na si Faith …

Iza Calzado

Iza Calzado tigil muna sa social media

MATABILni John Fontanilla ITITIGIL muna ni Iza Calzado ang pagpo-post sa kanyang social media para makapag-pokus sa …

Leave a Reply